Saturday 28 January 2012

Wala na yatang matinong tao sa mundo ngayon. NAKAKAINIS!

Wala na yatang matinong tao sa mundo ngayon. NAKAKAINIS! 

Dahil nga may training kami kanina, umuwi ako ng naka-short lang. Actually nakapanglaro pa talaga ako. Late na kasi natapos eh may usapan kami ng boyfriend ko na magkita today. Kaya nagmadalai ako, nagpalit lang ng tshirt at umalis na agad ng school.

 Pagsakay ko sa jeep, kasama ko si Kaye. Gulat ko kasi halos lahat ng nakasakay lalaki, at LAHAT NAGTINGINAN. NAKAKAILANG na NAKAKAINIS na


 “TEKA, NAKAKABASTOS PO MGA TINGIN NYO!”


 Hanggang sa maka-upo yata ako eh, nakatingin parin sa legs ko. Mga KUYA, nGAYON LANG HO BA KAYO NAKAKITA NG LEGS?!! Jusko, halos takapan ko na ng bag yung legs ko, hanggang sa pagbaba ko ng jeep siguro yung lalaki na nasa dulo nakatingin sa pwet ko. KAASAR!

 Naglalakad na ako papunta sa sakayan ng tricycle. Binibilisan ko na nga yung paglalakad ko eh para di ko na sila mapansin. Pero may epal na lalaking naka-motor binusinahan ako at nag-HELLO tapos sinasabayan pa ako ng motor nya.. Eh ayoko sa lahat yung ganun. Pagod na nga ako mababastos pa! Eh di ginawa ko minura ko sya. TANGINA MO PO KUYA! Ang galang ko pa diba?! NAKAKAINIS EH, tapos yung nagtitinda ng saging isa pa, ”ate ang ganda mo”.


 eto nga sayo oh, i raised my hand and MY MIDDLE FINGER SALUTES THEM!


 Alam kong maganda ako (ang HANGIN). Eh kahit na compliment pa yun oh kung ano nakakabastos kasi eh, sabay pa dun sa ibang lalaking nakasalubong ko.

 I know it’s also my fault kasi parang ako yung nagbigay ng motibo para maging ganun sila. Pero kahit na, KAMANYAKAN ang ginagawa nila. NAKAKAINIS! Sa susunod di na talaga ako uuwi na walang kasma haaaaayyy.




No comments:

Post a Comment