Friday 20 January 2012

SECOND CHANCES


  • Itama mo na ang lahat.
  • Gawin mo ang nararapat.
  • ‘Wag mo itong sayangin.
  • ‘Wag mong sirain ito.
  • Baguhin mo na ang dapat mong baguhin para sa kanya.
  • Patunayan mong mahal na mahal mo talaga siya.
Hindi lahat ng tao nagbibigay ng second chance. Meron rin namang taong nagbibigay nito, pero ang tanging alam ko: Tanga na masyado ang isang tao kapag nagbigay siya ng third or fourth chance sa taong paulit-ulit lang na humihingi nito at paulit-ulit rin ang ginagawa niya para sirain ang relasyong meron kayo. Kung may gusto kayong bagay na dapat ma-itama, mapakitang totoong nagsisisi ka na, patunayan mo. Patunayan mong deserve mong mabigyan ng isa pang pagkakataon. Hindi ‘yung kapag binigyan ka niya, parang wala rin. Sasayangin mo lang. Ipakita mo na hindi siya magsisi sa second chance na ibinigay niya sa’yo.
May second chance tayo para gawin mo na ang lahat ng tama, mga bagay namakapagpapasaya sa kanya. Sasayangin mo pa ba ‘yun? ‘Wag na ‘wag ng gagawin ‘yung mga pagkakamali na nakasakit sa kanya. Naapektuhan dito ‘yung tiwala niya sa’yo, minsan nga hindi na 100% ‘yang trust na ‘yan dahil nga sa second chance na lang ‘yan. Kaya mag-ingat-ingat ka rin kung masaktan mo nanaman siya, konting pagkakamali mo lang, masisira ulit ‘yung dati niyong pinagsamahan. Dahil sa totoo lang, mahal ka niya at gusto niya pang magpatuloy ang relasyon niyo, kaya ka binigyan ka ng isa pang pagkakataon, kaya kung ako sa’yo, ‘wag mo ‘tong sisirain. Some people believes in second chances, ‘yung nga lang, hindi lahat ng taong deserve nito. Kaya kung hinayaan mo lang at hindi ka pa rin nagbago, habang buhay mo ‘yun pagsisihan na sana noong meron kang pagkakataon, dun mo nagawa ang mga bagay na dapat nuon mo nagawa… Napapagod rin ang tao, nagsasawa rin. Bihira na lang sa buhay ang makatanggap ka pa ng third chance o fourth. 

No comments:

Post a Comment