Monday 20 February 2012

SMHS GRAND ALUMNI HOMECOMING: "SMHS HIGH FOR 55"


February 19, 2012
Ynares Center

An epic day to all the Alumni of SMHS (Sumulong Memorial High School) my alma mater. From batch 1969-2011.

11am nagstart mag-prepare yung batch namin 2009 for the parade actually that morning ko lang nakuha yung t-shirt and nagpractice pa ng sayaw namin. Hindi na ako umuwi after kasi ma-hahaggard lang ako. So dinala ko na lahat ng gamit na kakailanganin ko for that day. But i make sure na yung tama lang kasi ayoko din ng madaming dala.






At dahil summer ang theme ng batch 2009 bumili pa kami ng garland at napabili pa ako ng shades ng wala sa oras. Around 2:30pm umalis na kami kanila Anna. Pagdating namin sa Ynares ang dami ng tao kaso makikita mo na mas excited yung mga OLDIES sa alumni homecoming na yun. Unlike us parang ang fresh pa lang kasi namin eh, mas ma-appreciate namin yun kung after 5 years pa. At dahil hiwa-hiwalay na kaming PORLABB, yung iba nasa province nagaaral eh may mga nag-effort din naman na umuwi dito sa Antipolo. Ang mahalaga kasi yung prescence mo sa event na yun.

3pm I think nagstart yung parade. Medyo mahaba-haba nga eh at mahaba din ang pila, define SOBRANG HABA! May color coding yun actually every batch

• 60’s - RED
• 70’s - PINK
• 80’s - VIOLET
• 90’s - BLUE
• 20’s - GREEN


Hindi ako masyadong napagod sa paglalakad, kasi hindi mo mapapnsin yung pagod pag marami kayo tapos kwentuhan, eh di ko lang feel masyado yung mga nandun wala pa kasi mga friendship ko. Sakto umangkas ako sa motor ni Jeff, simula Sto. Nino hanggang sa pabalik sa Ynares. Ayoko din naman magmukhang haggard pagdating dun plus the fact na sobrang init kahit sakto ang mga outfit namin eh nakaksunog ng balat.

Nakakatuwang alalahanin at makita yung mga dati mong teachers and faculty members. Isama pa si Ma’am Sanvictores, Ma’am Jornacion at Sir Faustino. Mga pinakamatandang tao sa school. Lol!


(kilala nyo pa ba sila?? SYEMPRE naman sino ba ang makakalimot sa mga yan. )

After ng parade 5 nagstart yung mass, sa likod ng kapitolyo sa ynares. Dun dapat talaga yung venue ng event ans it was an open ground, parking lot kasi yun.

bago pa magstart yung mass dumating na sila Irene and Elaine. And syempre yakapan at sigawan ang bungad namin sa isa’t isa na kahit nagmimisa eh maingay kami.


After a few minutes dumating naman si Michael nagpasundo sa may gate kasi di nya nga alam kung asan kami. Habang naghihintay pala sya samen eh may lumapit na daw at hinihingi yung number nya. Ang lakas pa rin na karisma nun. May dala syang pictures namin nung may mga sayaw kami tapos tawanan kasi nagreminisce kami ng mga alaala ng nene at totoy days namin. Then dumating na si Jeane, yes kumpleto na ang barkada nagparegister lang sila tapos umupo na agad.

But after the registration and mass tsaka naman bumuhos yung ulan. Hinintay lang na matapos yun. Halos wala ka ng makikita sa venue na nakaupo sa mga upuan dahil for sure basa ka. Before pa magpuntahan sa gilid ng ynares. Me and my friends had our dinner tapos diretso bwside the stairway para dun na lang kumain. After my dinner nagprepare na ako para sa sayaw, at dahil wala akong balak mag-makeup nakapagmakeup pa din ako dahil lahat ng kasama ko eh nagsipaglagayan na din. Umuulan pa din ng mga panahon na yun. Buti na lang ang pinayagan na sa loob na lang kami ng Ynares center. Anong silbi ni Vice Mayor Susan Say from batch (80’s) and Kap Arman Panganiban na ipagpaalam ang loob ng stadium.

Pero dahil may laban ng PBA sa loob ng Ynares, naghintay kami ng 3 hours sa labas at nagtiis sa init dahil sa sobra ng tao. Libo din ang mga nagsiipuntahan. Around 9pm tapos na yung game at nasa may players entrance kami. Pero dahil sa iba dapat kami papasok eh bumalik kami para sa north gate daw pero pagdaan namin sa players entrance again saktong palabas yung isang player at nakipag-APIR ako. Nakakatawa dahil kalahati lang yung kamay ko kumpara sa kamay nya. Plus hanggang siko nya lang ako. Nakakatawa. Nakapasok nga kami sa north gate at umupo kasama ng mga kabatch namin sa ringside.

10pm na nagstart yung program proper and it was delayed for 3 hours already.
Ang saya isipin na kung tutuusin ang dami mo na pa lang nakakasalubong na graduate ng Sumulong pero hindi mo lang alam. Sa loob ng 55 years na nakatayo ang paaralang sinta eh iba ibang tao din ang makikita mo. Lalo na yung mga estado ng buhay nila. May mga kanya kanyang pangalan na silang binubuo sa iba’t ibang larangan na kinuha nila.

May mga pa-raffle sa event.

• cellphones
• microwave
• washing machine
• LED TV
• 50k insurance
• 10k
• 15k
• 25k
• 50k

Hindi man kami pinalad na manalo ng mga papremyo pero masaya din naman, lalo na kasama mo mga kaibigan mo.

guest host ang Survivor Philippines na si Betong. Super down to earth ng taong yun at napakabait talaga. Ang favorite line nya pa "AMAZING" bawat salita yata meron nun eh, hindi mawawala.


Super late na nga at tinatawagan na ako sa bahay buti na lang pinayagan talaga ako. Bawat batch may mga representative na may production at yung mga matatanda pinaghandaan talaga as if sasali lang sa showtime, ganun ang peg nila.

11:30 na at di pa rin kami nakakapagperform. Antok na ako at mukha na akong zombie, my eyes are so puffy and im starving. Nang malaman ko na pang-last pala kami, FINALE! BONGGA diba? ang aga namin tapos waley huli pala kami. They don’t even consider na may mga class kami the next day tapos last kami. But we need to act professionals. Performers kami kaya chill. I almost went home that night, bv na ako but tinuloy ko na lang.

Nung time na para magperform iba na pakiramdam ko. Pero for sure ibibigay ko ang best ko at yun nga ginawa ko. May nakakailang lang ng konti kasi yung photographer s harap ko eh ako lagi yung kinukuhaan ng pictures, though meron din yung iba kaso mas madami yung akin. Honestly, madali akong napagod kasi ang tagal nga ng hinintay namin tapos nalamigan pa ako. Nakakawalang gana nga dahil mga majojonda na ang mga nanunuod konti na lang from our batch and nakakalungkot isipin na baka hindi nila maappreciate yung sayaw dahil iba yung genre nila at generation namin.





 

After the performance, nagpalit lang kami ni ate gale them lumabas na. Nang makadating sa main entrance ng Ynares Center nakita namin yung ibang members ng private 11 na grupo ni Kuya Pat yung choreo namin. Then when they saw me, nagsmile sila tapos tinuro ako. then they said “HI” napasmile ako kasi narecognized nila ako from my passion and also their passion, DANCING! eh nandun si crush, ka-batch ni kuya pat tapos si kuya Bryan Martinez din nandun. Nakakatuwang isipin na napapansin ka nila sa husay mo. Kaso nakalimutan kong magpapicture. Dahil na rin siguro sa sobrang pagod ko at lamig dahil umuulan pa rin ng mga oras na yon.

After pala namin magperform may kumuha ng number nila gladys at kinukuha daw kami for SHOWTIME. oh kita mo nga naman. Kinukuha pa. hahaha! ang daming pumuri samen at masaya na ako dun.

mga 12:30 natapos yung event at nagpasundo na ako kay papa. mga 1:30 naman ako nakauwi, pero di naman ako nakatulog agad. Pero dahil pagod dumiretso ako sa kwarto para humiga nagpaantok at around 2:30 na ako nakatulog.

SMHS GRAND ALUMNI HOMECOMING WAS A SUCCESS and EPIC.


umulan man hindi nagpaawat ang mga alumni ng Sumulong.

IN THIS SCHOOL YOU ARE LOVED ♥

Wednesday 15 February 2012

HAPPY HEARTS DAY ♥

February 14, 2012

"Some call it Valentines, but some also call it TUESDAY"

Dapat kagabi pa to nakapost eh pero tinamad na ako and masakit mata ko kaya ngayon na lang.

13 pa lang gusto ko na matapos yung araw na yon. Excited much lang for the nest day, kasi nga Valentines yun. Masarap din naman yung tulog ko that night maybe because I'm just excited for the next day and that explains it.

Woke up around 6 or 6:30am. The first thing I did was to tweet and greet them, then texted ze boyfriend ng Happy Valentines Day. I actually have a class that day at 7:30am but I ditched it. LOL! I got so lazy as always.

Mga 8am na ako nakapag-prepare then mga 9 na ako nakaalis ng bahay. I haven't eaten my breakfast so I stopover at Mcdo to buy a cup of coffee, kahit yun lang okay lang. Then went straight at Hollywood terraces to meet some friends. Had some small chitchat with my TWIN EHM and PAULA. Then meet Sir Fonzy to pass the payments and list. Madami ka makikita sa school na may mga bouquet na hawak. Yung mga boyfriend nila todo effort na pagbigay nun and it's sweet. Iba kasi feeling ng nabibigyan ng ganun eh. Lalo na valentines diba? Meron ka din makikita na mga single at mga BITTER. Nakakalat sa paligid nakakatuwa lang pero kung single ka, pwede naman na friends kasama mo mag-celebrate ng ARAW NG MGA PUSO DIBA?
Dahil nga Valentines, tinapat nila yung CAKE FESTIVAL sa school. May mga booth and maraming pwedeng bilhin. GIFT, PHOTOBOOTH, CUP CAKES and different SWEETS.

Around 11am pumunta na ako sa Sta. Lu to meet ze BOYFRIEND! May date kasi kami eh, hahaha! As i arrived nagbihis lang ako, nakakahiya kasi kung naka-P.E pa ako diba? Then kunwari nilagpasan ko sya pero sinasadya ko talaga. :) Puro LOVERS makikita mo sa Sta. Lu nakakaumay lang mga nakikita ko. HAHAHAHA. Yung iba kasi feel na feel nila yung paghawak ng mga flowers na bigay sakanila ng mga boyfie nila kasi na isang pirasong bulaklak lang yun. Puro HEARTS, COLOR RED, PINK AT FLOWERS nakikita ko. Well hindi na ako magtataka dun. Pagkadating ko sabi nya

Kelvinth: "ang tagal mo naman kanina pa ako dito nagmukha na akong SINGLE dito, late ka!"
Lawrie:"Sorry hinintay pa namin si Sir Fonzy eh"
(tapos tinititigan lang nya ako, then biglang ngingiti)
L: "Bakit ka ngumingiti?"
K: "Wala, ang ganda mo kasi eh. Ang swerte ko talaga."
Tapos nagtawanan lang kami, sabi ko
L: "Tara na nga, kain na tayo. Gutom na ako eh, ikaw ba?"


Actually ang gusto nya pumunta na lang kami dun sa may Unlimited cakes and coffee near Antipolo. Kao wala kaming budget kaya tipidtipid na lang kami. What is more important is to enjoy the day even though everything is just simple. So sa mcdo na lang kami nauwi haha, as usual as in everyday na yon. (ang lakas lang maka-highblood at sakit sa puso eh noh?) Kumain at nagkwentuhan lang. Ang daming tingin ng tingin samin kasi nga parehas kami ng ajcket at shoes ni  bebe so parang sasayaw lang kami diba? JOKE! Akala mo artista kami eh pagtitinginan daw ba plus paguusapan pa kayo oh diba? KALOKOHAN!

After lunch nag-WOF naman kami tapos CAR RACING and BASKETBALL LANG. Boring eh. Then naisip ko nag mag-VIDEOKE kami, my treat. TRIP lang. Hindi mawawala ang mga kantang CRUISIN, NO AIR, IF I AINT GOT YOU, AT HANGGANG NGAYON sa listahan ng mga dapat kantahin at lagi yan. Gusto pa ni bebe na puro duet kantahin namin eh para sweet lang.




after magkantahan, its MOVIE TIME. At dahil Valentines LOVE STORY dapat ang panuorin and its my choice na THE VOW nga. Why? kasi valentines, ang HOT ni Chaning at maganda yung story. Its about a couple na naaksidente tapos nagka-AMNESIA yung girl then nakalimutan nya yung sakanilang dalawa ng guy. And it shows what TRUE LOVE MEANS. Kasi kahit na nakalimutan sya ni Paige pinipilit nya tong ibalik and mahal nya to kahit na nasasaktan na sya ng sobra.

Paige: "I wish someday I could love you as much as love love me"
Leo: "You did it once, you can do it again."


AAAHHHHWW. todo mega tears ako yung last part at nakakabitin lang yung huli . PROMISE. Pero maganda talaga yung story nya.

oh and BTW, may part dun na kakagising lang ni Leo (Chaning) and he's naked. Yes pero yung back lang nya yung kita. HAHAHA. And he's butt , A-W-E-S-O-M-E. hoho! nung nakita ko yun natawa lang ako, pati yung mga tao sa sinehan. ang HOT lang talaga nya sobra. PWET pa lang eh. LOL :D

After ng movie umuwi na kami ni bebe, wala po syang gift or whatever but it's okay. Ang mahalaga magkasama kayo and yung LOVE di nawawala yun. Hindi naman kailangan na tuwing valentines lang sweet, mas maganda kung ARAW-ARAW nyo pinapakita kung gaano nyo kamahal yung isa't-isa.


mga 7 nasa bahay na kami. Eh may net ako sa phne nun then my ex boyfie PMed me sa viber. Eh nagreply ako ng why? ang kulit kasi tapos ayun dun na nagstart yung away namin. YES, AWAY nga. Last year nag-away din kami diba? Tpaos this year eto na naman. I don't really get it why he gets ma at me kasi yun lng reply ko and wala ng sumunod pa dun. HE'S JEALOUS. Kumain lang kami tapos 8:30 sabi nya uuwi na daw sya. As usual wala sya sa mood dahil don. (JUSKOO, VALENTINES PO AYAW KO NG AWAY, TAMA NA) Naglalakad kami palayo ng bahay kasi ihahatid ko sya. NAIIYAK na ako kasi ayaw nya akong pansinin na eh. NAG-SOSORRY na ako lahat lahat tapos wala. dumman kamis aplayground naiiyak na talaga ako so nagstop ako sa may kubo sa playground gabi na nun and umupo lang. NAIIYAK na talaga ako, pinipigil ko pero hindi tumulo din yung luha ko. NAPAKA-IYAKIN ko talaga. Hindi pa rin ako nagbabago.

Sinundan nya ako tapos nagusap na kami. Galit na sya, tapos naiinis na din ako. Hanggang sa magkalabasan na ng sama ng loob nakapagsalita na naman ako ng mga bagay na dapat hindi ko na lang sinabi at pinagsisisihan ko yun. nagsusumbatan na kami. I said stop na kasi ayaw ko talaga na ng away that day I want my valentine na masaya this time. Sabi pa nya, masaya na nga daw yung AURA nya kaso panira lang daw yung lalaki na yun! Wala na ako masabi naiiyak na lang ako, pero dhil dun sa sinabi ko sakanya NAIYAK din sya.

It was my first time to actually see him crying. As in mega iyak kasi madalas sa phone lang sya umiiyak saken. GOSH! I was shocked. INIYAKAN NYA AKO. huhu! masama na loob ko, pati sa sarili ko. Umiiyak na din ako, sya din umiiyak na. hindi ko na alam gagawin ko. Pero it only proves na mahal ka talaga ng isang lalaki kapag umiyak sya sayo. Ramdam ko yung pain na nararamdamn nya. tapos this made me really cry a lot

L: kaya mo pa naman diba?
K: "kakayanin, para lang sayo"


then I kissed him ♥

Hindi na ko masyado maglalagay ng detail ng nangyari nun. But t'was romantic and I know it makes us stronger. Those fights we had makes us STRONGER AND STRONGER. Masaya ako na lam kong mhala nya ako, at mahal ko din say eh. Yun naman kasi yung totoo. I can't afford to lose him in my life. Sabi ko magbabago ako at mababalik yung nawala. I know!
Before sya umalis kasi mga 9:30 na nun, umuwi na ako. Gabi na masyado delikado na para sakanya na maglakad pauwi eh. Tapos na yung away namin, ayoko naman kasi talaga na mangyari yun eh. MASAKIT na yung mata ko at mahapdi na. Ang dami na namang luha yung nailabas ko. binigyan ko sya ng letter.

Ginawa ko yun night before valentines. Ayoko ng sosyal masyado na letter. So I put it on black paper and silver yung ballpen na ginamit ko. Ang hirap mag-english nakaka-NOSE BLEED pero salamat na din sa dictionary ko sa phone. It helps me a lot. Kulang nga lang yung dalawang papel para makagawa ng ganun at mai-EXPRESS lahat ng gusto ko. NOBELA ang mangyayari pwede na i-PUBLISH yun. haha.

          

(eto yung letter ko for him sabi ko read it pag nasa bahay na sya.)
Tapos nung makadating sya nagtext sya saken na babasahin na nya daw. When he finished it sabi nya na-appreciate nya daw yun. HAHAHA! ABA dapat lang naman eh. Kung hindi yari sya saken, JOKE!
Tapos nag-tweet sya neto

          

ang sweet lang kasi. Sabi ko pa may maii-blog ako ako this day na something memorable. Tapos ayan. Another memorable Valentines day for us.

LOVE. LOVE. LOVE ♥

Saturday 11 February 2012

NOTE TO SELF: BAWAL ANG PETIKS!

Dahil di na ako nakapag-blog kahapon dahil sa sobrang pagod at masakit na braso dahil din dito kaya tinamad na ako magtype.

Yesterday was EPIC.

Woke up 10mins earlier than my alarm clock. Due to our game today against STI. Done preparing around 6am waited for boyfie for few minutes then went to school kasi 7am call time. But guess kung aino naabutan ko sa school, si Paul LANG. Though alam kong on the way na si ate nica (@iamnicaaa). Filipino time nga naman. Eh yung iba naming kasama naginom pa pala nung gabing yon kaya mga late na nagising, may mga hangover pa yata. Pinagmamadali ko pa si bebe yun pala late sila. Tss!

Almost 8:30 na yata kami nakaalis nun. As we arrived at NEU gym, ang may laro is CUP AND STI. At nakita ko na naman si crush. Number8 sya,i forgot his surname kasi yun lang alam ko sakanya. Haha! Imba gwapo nya eh. Minsan lang ako magka-crush sa maputi kasi mostly sa dark complexion yung trip ko and where I am attracted the most. The whole game dun lang kami nakatingin sakanya, hindi sya ganun ka-gwapo pero pag nag-SMILE na sya, ahhhhh, MAKALAGLAG PANTY NGA! Hindi man lang ako naiilang or what pero kinikilig ako na ewan kahit nandun boyfriend ko. Kahit na katabi ko sya. Wala lang naman yun eh, crush lang, ISANG PAGHANGA. Hanggang tingin na lang yata kami kasi ang pagkakaalm ko may gf na yun eh pero kahit naman wala sige ipapaubaya ko na lang kay ate nica. LOL!

After ng game nila nasa bleachers lang kami. Then dumaan sila sa harap namin, ang gwapo talaga nya. Nung nasa may aide na sila ng mga tiga-AMA, nagtopless sya. OH MY GAAHHD! Lord ilayo nyo po ako sa tukso masama po yun. Haha. Mga naka- 2times ako tumingin and im fighting the urge to look kasi i dont want to look malandi and yung boyfriend ko nandun.

"Tumingin man o magka-CRUSH man ako ng isang milyon, yung puso ko para lang sa iisang tao"

Game na ng boys sa Ceu. Unfortunately they lost the game, nakuha nga yung first set naUSOG na sa mga sumunod na set. Lagi na lang sa umpisa magalng. PAgdating sa mga next na set, WALEY na.

Nung kami na sumunod, petiks lang kami tutal "STI LANG" kalaban naman at sa sobrang petiks na yun muntik pa kaming di manalo. Hahahaha! Pero mabait si lord kahit na sa last part napagod ako at sumakit yung braso nanalo pa din kami.

minamadali pa namin ying game kasi yung service iiwan kami nun ng 2pm eh 1:30 di pa kami tapos buti mabait si kuya at napakiusapan. May pizza pa kami galing sa coach ng valenzuela. Weeeee! Im a happy girl na. Gutom na din kasi kami wala pa kaming lunch at breakfast nun eh. Siguro kaya nawalan din ako ng energy agad.

2-3 na yung standing namin. Hopefully manalo ulit sa next game against NEU. I know kaya namin basta magkaroon lang kami ng prescence of mind, and dapat walng petiks.

Woo, nang makauwi ramdam ko yung pagod, di ko talaga alam kung anong nangyari sa braso ko. Basta ang ayoko lang kasi yung nauupo ako, natutuyuan kasi ng pawis eh pag ganun wala na akong laro.

Anyway, tanggalin na at kalimutan na ang lahat ang maganda PANALO KAMI!

CONGRATS LADY PHOENIX!

Tuesday 7 February 2012

SPELL UNCONDITIONAL LOVE

Nagmahal ka na ba ng sobra? I don't know why I chose this question. Paano ba makakahanap ng katotohanan sa gitna ng kasinungalingan? Ang mainlove eh natural na lang sa isang tao di ba? Ano ba meron sa isang pag-ibig, kailangan ba nito ang pambihirang talino? Ang alam ko, karamihan ay nagiging bobo kapag ang puso na ang nagpagana ng lahat ng hindi ginagamit ang utak sa pagmamahal.


I look at this point and time every year. You would think it should be the opposite. But before that for you what is unconditional love? It is the act of loving someone regardless of ones actions or beliefs. Act of loving without expecting anything in return. It is about not looking at their skin color or any of their physical features. Kung panget ba o maganda, literal na itsura kung baga. But looking right into ones soul and loving them the way they are.


Okay na sana ang umibig at magpakabobo dito, ang problema kung gusto ka din ng taong gusto mo. Kailangan ba talaga na may kapalit ang pa-ibig mo? Dapat daw umibig ng walang kapalit, eto yung tunay na pag-ibig.


When you love unconditionally ou have opened your heart and mind to accept things that you might not be happy with. It us about understanding things that everyone has one life to live it happily wihout judgement. You cannot put conditions on love. To grow is to love unconditionally. So, offer others unconditional live because no one has the right to point fingers or pass judgement on others. Life is all about removing all stipulations and boundaries that have been put upon you throughout your whole life, so love unconditionally.


Hindi ko alam kung ano pumasok sa utak ko kung bakit nagawa ko tong blog na to. Nabasa ko lang yung word na "UNCONDITIONAL LOVE" tapos ang dami ng pumasok sa utak ko. Naisip ko lang din tutal naman uso ang pagusapan ang love at love month naman kaya hindi naman siguro masama kung gagwa ng gaya neto. Puno lang ng pag-ibig pero im still lacking on detailing some of my blogs. Maybe I still need more experience and I still need to learn more about this and constructing words. Madaming ideas but i dont know how to put it into words. Haha! Pero dahil sa mga nababasa ko din na blog, it gives me ideas and i learned from it. Medyo ambisyosa pa ako when iy comes to blogging. I promise i'll be more expressive next time.


Published with Blogger-droid v2.0.2

THE NECKLACE ♥


Last February 14, 2011. That's our first valentines together. Here's the story

I have class that day, and si Kelvinth as I remember mga 10:30 pa yung class nya , so nauna ako sa school. We don't have class that day, DATE or WHATEVER, as in wala talaga. Tambay ako sa Hollywood after may class and may vacant ako nun. Well actually, I'm waiting for him that day. At dahil Valentines nga non, napagtripan namin ni Ehm na mag make-up and maglagay ng contact lenses. But unfortunately, that causes us to fight. Pinakamababaw na rason para magaaway kami, right?

Hindi nya ako pinapansin dahil nga naka-contact lens ako (ang babaw lang di ba?) not until i'll removed it. Pero matigas ulo ko, I insist na isuot pa rin yun. Pero dahil ayaw ko na magalit pa sya lalo sakin hinubad ko na lang. Tinanggal ko na sya actually, eto naman ako nakasimangot lang. He really doesn't want to talk to me, he even walked out. I cried kasi valentines na valentines ganun ang nangyari at nag-aaway kami. I was HOPELESS that moment na wala nang magandang mangyayari sa akin that day. Then I texted him

Lawrie : "Ano? ganito na lang batayo? NAKAKAINIS KA NA EH!"
Kelvs : " Ikaw kaya jan! Alam mong ayaw ko nun eh, bakit mo pa nilagay?"
Lawrie : "Eh gusto ko eh"
Kelvs : "Alam mo naman na pag naka-ganun tingin ko parang malandi di ba?
I just stop, wala akong masabi eh...

Then he texted me again.
Kelvs: "pumunta ka dito sa room ko, usap tayo?
I went to their room, agad agad wala pa silang class nun eh. Pumasok akoand hinila nya ako palabas ng room. Nasa corridor lang kami at nagusap. I explained my side and he explained hi side too. I said sorry para lang di na lumaki yung gulo. He's really mad at me. He just wanted me lang daw na plain and simple kasi mas maganda daw ako pag ganun lang. I was just crying and crying, I regret putting those shit, now my day was ruined. I ruined my own valentine. This day supposed to be fun and filled with LOVE, but it's not. (sad face :( )

I am expecting a lot that day, Flowers, Chocolates, Teddy Bear. LOVE letters, etc.I'm really hopeless n, sobrang haggard ko na din tignan with puffy eyes and red nose. Ang dami ko ng naiisip sabi ko pa sa sarili ko.
"It wouldn't be the prefect Valentines, but I will count it as one magkabati lang kami"
We are still at the corridor, still talking about this shit. Iyak pa din ako ng iyak. mga 30mins na siguro yon. Niyakap ko na lang sya, saying sorry ten he hugged me back. All of a sudden  may kinuha sya sa bulsa nya. I have no idea kung ano un kasi nga magkaaway pa kami. i'm still hugging him tapos sabi nya. "harap ka nga saken"sabay labas ng necklace na may heart pendant.

I was SHOCKED and FROZE for a few seconds. Iyak pa rin ako ng iyak at lalo pang naiyak dahil sa nakita ko tapos sya tumawa lang. hindi ko lam kung ano magiging reaction ko kasi, magkahalong INIS, KILIG, TAWA, mga ganun ba. At pinagtitinginan kami ng mga nursing na dumadaan sa may corridor. nakakahiya na ewan, haha! Gusto ko syang sapakin a ewan, at sa loob loob ko.

"why would you have to be this sweet? ha? lalo tuloy kitang minamahal!"

sabi pa nya, "Ingatan mo yan ah, kasi yan yung PUSO ko"

Eh sobrang kilig lang talaga that moment! 
Pinagtitinginan pa din kami ng mga tao, pero bati na kami. Tears turned to laughters. I hugged and kissed him. Thank You kasi akala ko misserable na valentines ko. Akala ko wala na talagang pag-asa na masaya tong araw na to. Hanggang sa matapos yung araw masaya ako at kinikilig pa din, lalo na pag naaalala ko yung nangyari.

The day before valentines..

He asked me kung magbubukas daw ako ng facebook mumg gabi. Sabi ko oo pero hindi ako nakapagonline kasi tinamad na rin ako tsaka hindi ko maintindian kung magoonline ba ako o hindi. or basta may something na makikita ako dun. Yun pala he posted some pictures ng necklace na ibibigay nya sakin. Buti na lang at hindi ako nagonline kasi hindi magiging surprise ang lahat. SOBRANG KILIG TO THE BONESng highest level at bonggang bongga.


AFTER A FEW WEEKS..

I found out na acidic pala ako and yung silver na necklace is nagbblack. Bawala ko sa slver yun ang reaction nya. Nakakalungkot lang kasi hindi ko na sya masusuot ayoko naman kasing masira yung necklace na yun eh. I hide it sa Bear na lalagyan ko ng ring. I told everyone in our house na bawal pkialaman yung bear na yun. Hindi ko sya sinusuot for a month siguro then when it's time for me to cean it kasi bumili ako ng silver cleaner. ADSFGHKL! It's not in there. I shouted to everyone, kung sino gumalaw nun at nawawala yung pendant. PENDANT! hysterical na ko kasi hindi ko talaga sya makita. :( nung kinahapunan nagtext ako sakanya na, "may kasalanan ako.sorry, I lost the pendant!"

tapos pumunta sya sa bahay. niloloko pa nya ako. Tapos I started crying na, ayaw ko tlaga ng ganun sabi nya pa na "INGATAN" ko daw pero ano nawala ko :( Eto na anman ako iyak na naman ng iyak. SI LAWRIE IYAKIN! Bakit kasi sa lahat yun pa yung nawala eh.
Then I remeber what mom said before about the necklace. Mga kasabihan lang ba. Sabi pag naputol daw yung necklace na bigay ng isang guy ang kasunod na daw nun is maghihiwalay kayo. It was tested and proven, ako din syempre. My first bf gae a necklace din kasi tapos yung pinsan ko hinawakan ang naputol yung necklace, after a few weeks I found out na may iba pa pala bukod sa akin then we borke up. PARANOID na ako na baka maghiwalay din kami :( kahit na iba yung nagyari eh. Hindi rin natin alam, hindi rin naman siguro masam na maniwala sa mga ganun diba? or may ibang mangyaring mas WORST! (nega ko lang naman)

It took me a week or two to moved on sa necklace na yun, sabi ko the next time you'll give me something ayoko na ng necklace. HAHA! sabi naman nya kasi as gusto nya yung nagbibigay sya ng mga gamit na nakikita nya eh. Ayaw nya ng roses kasi malalanta rin naman daw, at yung chocolates naman sandalian lang saken yun. pag Teddy Bear naman daw, may babay YOHJI na kami, yung bear na binigay nya sakin nung debut ko.

I learned a lot sa nangyari. Dapat organized lahat ng gamit ko para di nawawala and alam ko kung asan nakalagay. I even bought a jewelry box para sa lahat ng accessories ko, para if ever may magigay saken ulit dun ko a lang ilalagay.
Wala pa ulit kami plans this comming Valentines, maybe next week or 2 days before ng valentines kami magplano. haha! :)) MOVIE DATE, foodtrip or kahit saan mapadpad.

LOVE YOU SUPERMAN ♥ 

Saturday 4 February 2012

I CAME TO DANCE DANCE DANCE

Since daycare pa lang ako, dancing is my passion. I was like only 4years old then. Still residing at Makati at that moment. And ang uso pa nun eh, FOLKDANCE. Until mabago ang generation and padami na din ng padami yung kind ng mga sayaw. Hanggang sa grade school I met this awesome girls and nakabuo ng isang dance group. Different kind of dances depending on what program our school has. Unang sabak ko sa sayaw nun mahiyain pa ako at that moment. As I remember, super mega ikling palda with a slit on the side plus bra type na top na flowery chorva. Super nakakhiya yun bit then nakasayaw pa din ako. Almost lahat ng progam nga nakapagperforme kami, and that's for 6 years with thw same group.

Until maging highschool, un-for-choo-nate-ly im still with the same girls I have nung elementary days but may nabawas. But that's okay kasi me and elaine na kasama ko for 6years sa sayaw is still my classmate and we've met new comrades na naging kasama ko din sa dance troupe. Just like elem days almost  every program sumasayaw kami. I even got a chance to be a part of official dance troupe of the school and cheering squad but I immedietly quitted because of some reasons.

So Im a college student right now and still in dancing, I even planned on joining the UP theater before but then I guess is not yet my time and it's not yet the field for me. Yung pagsali ko sa ACPA is parang wala lang. Kasi biglang salang lang ng friend ko then kasali na agad ako, with no auditions at all. Masaya nan kasi bukod sa volleyball friends ko eh, I've met new friends. New trusted friends.

But all of a sudden everything fails. It all started when we decided to join SHOWTIME. Super excited to plan everything tapos nawala din bigla kasi yung other group eh sasali din. Conflict with the representative ng school, hanggang sa nagkatanggalan na. Then I started to li-lo, nawalan ako ng gana sumayaw specially kapag kasama yung other group. I feel the rejection everytime we're with them. Nakakainis na ewan.

Hanggang ngayon di pa ako sumasayaw sa kahit anong event sa school. Kahit na nakailang invite na aila saken. I need to focus first siguro sa volleyball muna bago yan. Ayaw ko pa kasi makasama sila eh not the ACPA but the other group.

I still plan of going back to dancing after this league ng volleyball na meron kami. And also planning on making it evwn stronger group by motivating each other. Kaya namin to and it's for us din naman eh.

And kahit na ganun pa man

DANCING WILL ALWAYS AND FOREVER BE MY FIRST LOVE ♥

Published with Blogger-droid v2.0.2

FAITH HANDS TO HEAVEN

I have always prayed the hardest in situations I feel are out of my control. Especially about my family, why everything fails? I'm a slight control freak, so it's devastating feeling to feek like something is out of my hands, seriously.

That's when I release myself from it, saying "Lord, bahala ka na". Na i know God has plan and all I have to do is to trust Him. And at that point, hindi na ako hihingi pa ng kahit ano. No more demands and everything. I just leave it be.

If you'll ask, do I get what I want? I would say, NOT at all the time, pero hindi ko siya sinisisi or even try to bargain.

I trust the Lord and for sure He has better plans for me after all this trials.

Published with Blogger-droid v2.0.2