Monday 20 February 2012

SMHS GRAND ALUMNI HOMECOMING: "SMHS HIGH FOR 55"


February 19, 2012
Ynares Center

An epic day to all the Alumni of SMHS (Sumulong Memorial High School) my alma mater. From batch 1969-2011.

11am nagstart mag-prepare yung batch namin 2009 for the parade actually that morning ko lang nakuha yung t-shirt and nagpractice pa ng sayaw namin. Hindi na ako umuwi after kasi ma-hahaggard lang ako. So dinala ko na lahat ng gamit na kakailanganin ko for that day. But i make sure na yung tama lang kasi ayoko din ng madaming dala.






At dahil summer ang theme ng batch 2009 bumili pa kami ng garland at napabili pa ako ng shades ng wala sa oras. Around 2:30pm umalis na kami kanila Anna. Pagdating namin sa Ynares ang dami ng tao kaso makikita mo na mas excited yung mga OLDIES sa alumni homecoming na yun. Unlike us parang ang fresh pa lang kasi namin eh, mas ma-appreciate namin yun kung after 5 years pa. At dahil hiwa-hiwalay na kaming PORLABB, yung iba nasa province nagaaral eh may mga nag-effort din naman na umuwi dito sa Antipolo. Ang mahalaga kasi yung prescence mo sa event na yun.

3pm I think nagstart yung parade. Medyo mahaba-haba nga eh at mahaba din ang pila, define SOBRANG HABA! May color coding yun actually every batch

• 60’s - RED
• 70’s - PINK
• 80’s - VIOLET
• 90’s - BLUE
• 20’s - GREEN


Hindi ako masyadong napagod sa paglalakad, kasi hindi mo mapapnsin yung pagod pag marami kayo tapos kwentuhan, eh di ko lang feel masyado yung mga nandun wala pa kasi mga friendship ko. Sakto umangkas ako sa motor ni Jeff, simula Sto. Nino hanggang sa pabalik sa Ynares. Ayoko din naman magmukhang haggard pagdating dun plus the fact na sobrang init kahit sakto ang mga outfit namin eh nakaksunog ng balat.

Nakakatuwang alalahanin at makita yung mga dati mong teachers and faculty members. Isama pa si Ma’am Sanvictores, Ma’am Jornacion at Sir Faustino. Mga pinakamatandang tao sa school. Lol!


(kilala nyo pa ba sila?? SYEMPRE naman sino ba ang makakalimot sa mga yan. )

After ng parade 5 nagstart yung mass, sa likod ng kapitolyo sa ynares. Dun dapat talaga yung venue ng event ans it was an open ground, parking lot kasi yun.

bago pa magstart yung mass dumating na sila Irene and Elaine. And syempre yakapan at sigawan ang bungad namin sa isa’t isa na kahit nagmimisa eh maingay kami.


After a few minutes dumating naman si Michael nagpasundo sa may gate kasi di nya nga alam kung asan kami. Habang naghihintay pala sya samen eh may lumapit na daw at hinihingi yung number nya. Ang lakas pa rin na karisma nun. May dala syang pictures namin nung may mga sayaw kami tapos tawanan kasi nagreminisce kami ng mga alaala ng nene at totoy days namin. Then dumating na si Jeane, yes kumpleto na ang barkada nagparegister lang sila tapos umupo na agad.

But after the registration and mass tsaka naman bumuhos yung ulan. Hinintay lang na matapos yun. Halos wala ka ng makikita sa venue na nakaupo sa mga upuan dahil for sure basa ka. Before pa magpuntahan sa gilid ng ynares. Me and my friends had our dinner tapos diretso bwside the stairway para dun na lang kumain. After my dinner nagprepare na ako para sa sayaw, at dahil wala akong balak mag-makeup nakapagmakeup pa din ako dahil lahat ng kasama ko eh nagsipaglagayan na din. Umuulan pa din ng mga panahon na yun. Buti na lang ang pinayagan na sa loob na lang kami ng Ynares center. Anong silbi ni Vice Mayor Susan Say from batch (80’s) and Kap Arman Panganiban na ipagpaalam ang loob ng stadium.

Pero dahil may laban ng PBA sa loob ng Ynares, naghintay kami ng 3 hours sa labas at nagtiis sa init dahil sa sobra ng tao. Libo din ang mga nagsiipuntahan. Around 9pm tapos na yung game at nasa may players entrance kami. Pero dahil sa iba dapat kami papasok eh bumalik kami para sa north gate daw pero pagdaan namin sa players entrance again saktong palabas yung isang player at nakipag-APIR ako. Nakakatawa dahil kalahati lang yung kamay ko kumpara sa kamay nya. Plus hanggang siko nya lang ako. Nakakatawa. Nakapasok nga kami sa north gate at umupo kasama ng mga kabatch namin sa ringside.

10pm na nagstart yung program proper and it was delayed for 3 hours already.
Ang saya isipin na kung tutuusin ang dami mo na pa lang nakakasalubong na graduate ng Sumulong pero hindi mo lang alam. Sa loob ng 55 years na nakatayo ang paaralang sinta eh iba ibang tao din ang makikita mo. Lalo na yung mga estado ng buhay nila. May mga kanya kanyang pangalan na silang binubuo sa iba’t ibang larangan na kinuha nila.

May mga pa-raffle sa event.

• cellphones
• microwave
• washing machine
• LED TV
• 50k insurance
• 10k
• 15k
• 25k
• 50k

Hindi man kami pinalad na manalo ng mga papremyo pero masaya din naman, lalo na kasama mo mga kaibigan mo.

guest host ang Survivor Philippines na si Betong. Super down to earth ng taong yun at napakabait talaga. Ang favorite line nya pa "AMAZING" bawat salita yata meron nun eh, hindi mawawala.


Super late na nga at tinatawagan na ako sa bahay buti na lang pinayagan talaga ako. Bawat batch may mga representative na may production at yung mga matatanda pinaghandaan talaga as if sasali lang sa showtime, ganun ang peg nila.

11:30 na at di pa rin kami nakakapagperform. Antok na ako at mukha na akong zombie, my eyes are so puffy and im starving. Nang malaman ko na pang-last pala kami, FINALE! BONGGA diba? ang aga namin tapos waley huli pala kami. They don’t even consider na may mga class kami the next day tapos last kami. But we need to act professionals. Performers kami kaya chill. I almost went home that night, bv na ako but tinuloy ko na lang.

Nung time na para magperform iba na pakiramdam ko. Pero for sure ibibigay ko ang best ko at yun nga ginawa ko. May nakakailang lang ng konti kasi yung photographer s harap ko eh ako lagi yung kinukuhaan ng pictures, though meron din yung iba kaso mas madami yung akin. Honestly, madali akong napagod kasi ang tagal nga ng hinintay namin tapos nalamigan pa ako. Nakakawalang gana nga dahil mga majojonda na ang mga nanunuod konti na lang from our batch and nakakalungkot isipin na baka hindi nila maappreciate yung sayaw dahil iba yung genre nila at generation namin.





 

After the performance, nagpalit lang kami ni ate gale them lumabas na. Nang makadating sa main entrance ng Ynares Center nakita namin yung ibang members ng private 11 na grupo ni Kuya Pat yung choreo namin. Then when they saw me, nagsmile sila tapos tinuro ako. then they said “HI” napasmile ako kasi narecognized nila ako from my passion and also their passion, DANCING! eh nandun si crush, ka-batch ni kuya pat tapos si kuya Bryan Martinez din nandun. Nakakatuwang isipin na napapansin ka nila sa husay mo. Kaso nakalimutan kong magpapicture. Dahil na rin siguro sa sobrang pagod ko at lamig dahil umuulan pa rin ng mga oras na yon.

After pala namin magperform may kumuha ng number nila gladys at kinukuha daw kami for SHOWTIME. oh kita mo nga naman. Kinukuha pa. hahaha! ang daming pumuri samen at masaya na ako dun.

mga 12:30 natapos yung event at nagpasundo na ako kay papa. mga 1:30 naman ako nakauwi, pero di naman ako nakatulog agad. Pero dahil pagod dumiretso ako sa kwarto para humiga nagpaantok at around 2:30 na ako nakatulog.

SMHS GRAND ALUMNI HOMECOMING WAS A SUCCESS and EPIC.


umulan man hindi nagpaawat ang mga alumni ng Sumulong.

IN THIS SCHOOL YOU ARE LOVED ♥

No comments:

Post a Comment