Thursday 1 March 2012

PRISAA REGIONAL MEET 2012


Regional Meet at Dasmarinas Cavite
February 24-26, 2012
Feb. 24
Woke up around 4 kasi hintayan naming volleyball team 5am sa emraud (jeep terminal) so mga 5 umalis na then mga quarter to 6 kami dumating. Halos na-occupy namin yung jeep na nasakyan namin dahil sa dami namin. As we arrived at the school kasi dun ang meeting place ng lahat ng players andun na yung bus at basketball girls. First come, first serve kasi nga madami kami. Kaya bandang likod na kami dun. Halat ng event meron pero 2 batch ng pagsundo kasi hindi available yung isang bus. So nauna kaming basketball, volleyball boys and girls tapos nasa shuttle naman yung basketball boys. The other players of different events tanghali na sila umalis sa school.
Nakakangalay lang sa byahe kasi nakabaluktot yung mga legs namin dahil sobrang puno kami, plus the fact that our luggages are big too. Will stay there for 3 days kasi so lahat ng gamit dala, at mga ka-ek ekan sa katawan dala din. Masaya naman yung byahe kahit mainit, katabi ko si tugs and don sa upuan. While on our way malapit na kami sa SLEX I saw this billboard of Mario Maurer for Penshoppe tapos I was about to take pictures bigla naman dumaan tong bus at ayan di ko nakuhaan ng maganda, SAYANG!!
Halos lahat tulog sa byahe except me kasi hindi talaga ako nakakatulog and puyat silang lahat kasi wala pa silang tulog the day before.
As we arrived at De LaSalle Dasma, opening na ng PRISAA REGIONAL MEET. Anjan ang Cavite, Quezon, Rizal, Laguna and Batangas. Dapat talaga Rizal ang host ng Prisaa this year pero unfortunately wala daw matutuluyan yung mga players kasi walang mga quarters na pwede or school so they've decided na sa Cavite again ang venue. Nagparade muna tapos opening remarks, may guest pa na player din daw at infairness gwapo, alam nyo yan.
Konting kembot at Lunch time naman. After lunch may game na agad kaming girls, but unfortunately hindi ako nakapaglaro dahil walang grades. *SHRUGS*. BUt it was totally okay with me so i acted as a assistant coach/ P.A/ YAYA/ MANAGER  ETC. LOL! Pero sabi ko papayagan ko sila na ganun but only when they have game, after it im done.
FIRST GAME
OLFU VS QUEZON
I was really confident that the girls would beat em  but it turned to be the other way around. They lost the first game and it went very different. They played really different nahirapan pa kasi hindi rin nakapunta yung one of the pbest players ng OLFU na si Marja cuz of her sister na di sya pinayagan. If only I and Marja there could be a chance of winning it. After that game wala ng next kasi kinabukasan na yun, then Do or Die game yun kasi if they will get it pasok sila sa paglalabanan ng 3rd but if they'll lost it TURISTA na agad.
So after their first game nanuod kami ng ibang game dapat cavite and quezon agad ang next kaso may dance sport competition pa na nangyari. Bago pa yung game pero kailangan na pumunta ng quarters kaya no choice di rin kami makakapanuod pati pala laban ng basketball girls meron nun.
As we arrived at the quarters, nakipagpalit pa kami kasi ang panget ng room na napunta samen buti na lang kami pa lang yung nandyan kaya napagpalit namin. Nagdinner muna kami sa karinderia kahit na bagong bigwy lang ng allowance, tipid tipid din. After it went back to our quarters tapos kumuha ng mga matresses, naglatag at humiga na. Nakakapagod talaga yung byahe eh. Naligo muna at nagkulitan.
Guess who owns this panties?
Lol ang dami kong tawa sobra. Haha! Nilagyan pa kasi namin ng mga plastic na fruits tapos parang may nakaumbok. Malakas lang ang trip namn, siguro dahil sa busog at pagod pero super hyper lang talaga namin.
Brfore going to sleep nagmeeting muna and nagreview ng mga play at mga dapat gawin sa laro. Ang kulit parin namin at maingay, kami na lang din daw yung gising ng mga oras na yun. Sleeping time dapat di pa talaga pero napagalitan kami ni mam Adriano kaya nag lights off na kami. Di ako nakatulog agad kasi naghihintay ako ng text ni bebe tatawagan ko sana kaso nasa byahe pauwi galing sa lamay ng inang nya.
Mga katabi ko matulog
Second day
Maaga ako nagising dito mga 4am nag alarm na kasi phone ko actually nauna talaga ako magising bago pa sya mag-alarm hindi lang ako bumangon agad. As I woke up wala na yung ibang girls maaga pala sila gumising kasi nagbreakfast sila. So ginising ko na din si Judai tapos naligo kami ng matapos si Ate Nica naman ginising namin. Tutal wala pa naman yung iba kasi maguunahan na naman yun for sure. Nang makatapos kami lahat, tsaka naman sila dumating maaga pa nun so nagbreakfast muna kami sa jollibee. No choice lang kasi walang Mcdo kaya nagtiis na lang dun at sa mabagal na service makakain lang at mabusog.
Otw na kami sa La Salle first game nga kasi. Wala pang tao but after a few minutes dumating na yung mga referee, eh kilala nila ako and they asked me bakit di ako naglaro. (FYI, sila din kasi yung nga referee ng NAASCU) It's a do or die game if matali TURISTA na nga kami. Batangas kalaban namin kaya naman eh kaso wala nga silang discipline inside the court eh hindi naman ako naglalaro kaya ayan.
After the game kumain lang tapos nanuod ng ibang laro. On that day may game din ang basketnall girls and boys on the same venue. Nauna muna yung girls and they won twice to beat na sila. Around 5pm bumalik sa LaSalle para naman sa laban ng boys but unfortunately natalo sila ng laguna if only may pahinga sila or yung game na yun eh ginawa na lang ng kinabukasan pero hindi. PAGOD at kulang talaga sila sa malakas na player unlike last year.
Nagkakwentuhan pa about sa GIRL na nakatayo sa pinto ng quarter namin on our first night. Si Paul ang una daw nakakita ng girl na nakatayo yung buhok daw same as mine. Pero it's impossible na ako yun kasi tulog na ako ng 11pm. Then hindi lang pala si Paul, pati si Jb din at dalawa pa nga daw yung nakita nya. Hala over lang nakakatakot.
Dito din naganap ang inuman, kaso di ako uminom eh. Good girl na ako 3months na akong di umiinom eh. Habang sila nagsasaya ako naman natulog lang, hanggang sa sobrang ingay nila kasi pati yung mga basketball boys malakas ang trip na sumayaw ng SuperBass mga ang lalaking tao tapos muntanga lang magsisayaw. Dahil ayaw ko maistorbo sa pagtulog lumipat ako sa quarters namin at dun piaagpatuloy yung pagtulog. Kahit na inagawan ako ng higaan nila Don at Judai (partida mag ex lang yan) magkatabi sila natulog nawalan ako ng higaan. Tapos yung kumot at unan ko pinahiram ko naman sa mga jowa ng basketball girls. Kaya ang ginawa ko nagjogging pants at nagjacket. Sobrang lamig kasi dun pag gabi. Sa awa ng diyos eh nakatulog naman ako ng maayos.
Third day
Nung umaga nagkape kami ni Jade. Kape at yosi ang almusal. Tapos naligo at pumunta na sa game ng basketball girls. Pero sayang din kasi natalo sila ng cavite kahit na twice to beat advantage na sila. Haaaaayyyss. Pero tatlo nakuha sakanila for national na gaganapin sa Cebu. Si Cams, Dhimz at Jen. Swerte nila. Naglaban din for championship ang Laguna at Cavite boys and girls sa volleyball. Both Cavite and nanalo then sa other events wala akong alam eh.
It is really one of the most unforgettable moments though hindi nga ako nakapaglaro masaya din naman kahit papaano. Bawi ako next year at sisiguraduhin kong makakasama ulit ako at makakalaro.
4pm na kami nakaalis ng Cavite pero yung byahe pauwi eh sobrang bilis lang. Mga 1 ½ lhrs lang ang byahe. Yung iba hindi pa umuwi agad at nagsipuntahan pa sa God's Love sa San Mateo. Nagovernight swimming pa sila dun. Kaya monday morning na sila nakauwi.
Sobrang pagod at mabigat ang dala kaya nagpasundo ako kay bebe. Nagkita na lang kami sa Mcdo simbahan. Namiss ko sya ng sobra. Kumain muna kami bago tuluyang umuwi. Maaga din nagpahing kasi may pasok kinabukasan pero guess what di rin nakapasok kasi may Cavite Hangover pa di  kami.
"LET'S GO RIZAL"

No comments:

Post a Comment