Sunday 4 March 2012

Minsan naisip mo din na kumawala sa realidad ng buhay at sa buong mundo. Mapagisa na ang tanging hawak lang ay ang lapis, papel at musika na magbibigay inspirasyon sayo. Gawin ang mga bagay na kahit kailan hindi mo pa nagagawa sa tanang buhay mo. Libutin ang mundo kasama ang camera dahil gusto mong maalala at ibahagi kung gaano ito kaganda. Isama ng iyong prinsipe sa iyong minimithing palasyo at doon gagawa ng pamilya at magsasama ng maligaya habangbuhay.


Maraming nagbago at sa tingin ko may mga magbabago pa. May mga pagbabagong maganda at meron din namang hindi. Hindi lahat ng tao perpekto kaya bawal ang manghusga. Naiisip ko na unti unting nawawala ang pokus ko sa mga bagay bagay. Madami akong napagtanto sa buhay. Tutad nun, tulad nyan. Pilit ko mang baguhin ang sitwasyon pero sa pangarap na lang siguro. Mahirap at pakiramdam mo minsan wala kang makakapitan. Tila pinupunit ang iyong puso


Magisa at minsan nakatulala sa bintana. Pinagmamasdan ang ulap at ibon na humuhuni. Isang imahinasyong nagdadala sayo sa isang magandang lugar na puno ng mga positibong bagay. Naghahanap ng lugar na makakahinga ng maluwag. Kyng saan malayo ang impluwensya ng kapaligiran. Tulad ng isang parang, malawak na lupain na malaya kang makakatakbo.


Kailangan ko ng "Peace of mind". Unti unting nasasakop ako ng kabaliwan ng mundo. At ayokong magpasakop. Dahil alam kong kaya ko. Tatapusin ang mga nasimulan ko.


Published with Blogger-droid v2.0.2

No comments:

Post a Comment