Wednesday 28 March 2012

LOVENOT

After ng allergy nagpatuloy na sya sa sipon at inuubo na din ako. Paggising ko kaninang umaga mainit na pamiramdam ko, medyo hilo at sumasakit yung lalamunan at sobrang kati. Tumayo sa kama at uminom mg kape, as usual magtwitter at fb para makapag-update lang.

Ate my breakfast, gusto ko sana uminom ng gamot unfortunately walang stock ng gamot si lola dito, eh wala din akong mautusan kaya tiis na lang. Uminom na lang ako ng uminom ng tubig para mabawasan yung kati nya.

Around 10am ramdam ko na yung mas mainit na pakiramdam, so tinulog ko muna. Sobrang nanlalata na din kasi ako eh. At masakit na din ulo ko. Medyo lumalamig na din kasi kaya yun. Kinuha si unan at kumot. Naglagay ng earphones at nagpatugtog ng lovesongs.

Almost 2hours din pala ako nakatulog. Sarap sa pakiramdam, medyo nawala yung sinat kasi pinagpawisan na din ako sa kapal ng kumot ko. Effective lang dahil ayaw ko magkasakit. Tapos more water and fruits ako today and it helps me a lot. Nabawasan yung sipon ko. So up to now medyo okay na yung sa sipon ko so sa ubo na lang problema ko. Bukas na ako iinom ng gamot. Bukas pa din kasi dating nila mommy eh.

Sana, sana talaga mawala na tong mga to.

*kailangan ko yata ng yakap-sule at kiss-pirin.*


Published with Blogger-droid v2.0.2

No comments:

Post a Comment