Wednesday 28 March 2012

Sometimes what you learn from the pain is worth the suffering

Everything I’ve learned is worth suffering. After all what I have been through. Mga panahon na akala ko sya lang yung lalaki sa mundo. Ako yung tao na once committed sya lang, stick to one kumbaga. Mga panahon na baliw na baliw lang ako sakanya, dun sa first love ko. Oo masaya alalahanin yung mga panahon na yun pero masakit din. First heaetbreak cuts the deepest. Emo ako dati dahil jan naranasan kong

• pumasok sa school na umiiyak tapos namamaga yung mata

• gab-gabing umiiyak kasi naaalala mo sya

• pinipilit mong ngumiti pero pag naalala mo na naman sya malungkot na naman.

• umiyak sa harap ng pagkain

• magpatugtog nung mga theme song namin tapos iiyak na naman ako.

• yung feeling na parang walang katapusan yung sakit na nararamdaman ko

• kung feeling mo kulang ka

• na may nawalang isang malaking parte ng buhay mo

But after all the pain, heartaches, eto parin at muling nagmamahal. Aaminin ko maraming dumaan pero hindi worth it. Sinaktan din ako, but hindi ko hinayaan na maramdaman ko na naman yung ganung pakiramdam. I never let them hurt me, in that way I can move on easily. Iiyak ako, di dahil sa sobrang nasaktan pero dahil sa sobrang inis.

Marami akong natutunan

• ang maging matapang

• di na magpauto pa sa sinasabi ng mga lalaki

• kilalanin munang maigi ang isang tao

• wag mong ibibigay lahat, save something for yourself para pag nasaktan ka di ka yung tipong sirang sira

• i deserve someone better

• i wont let anyone hurt me as much as he hurt me.

Until I met this guy. Yung tipo ng lalaki na

• pinatawa ako kahit na umiiyak ako (yan yung panahon na nakipagbreak ako sa ex kong varsity)

• makita mo lang sya buo na araw mo

• taong ayaw ka nya makita na malungkot

• hahanapin ka pag wala ka sa tabi nya

• tatawagan ka tapos puro kalokohan lang naman paguusapan nyo

• binababa nya yung pride nya magkabati lang kami, kahit na ako yung may kasalanan

• tanggap ako with all my flaws.

• ipagtatanggol ako pag may nambastos or umaway saken

• papagalitan ako pag may ginawa akong mali, with matching SERMON na tatamaan ka talaga

• sasabihin sayo na “MAHAL NA MAHAL KA KITA” araw araw.

• hahawakan yung kamay mo kasi baka maagaw ka daw ng iba.

• who would kiss my forhead telling me i’ll be safe as long as his around.

• who would sitch his class kasi wala akong kasama

• yayakapin ako ng mahigpit kahit na isang araw lang kaming di nagkita, showing he missed me so much.

• pinipilosopo ka, tapos aasarin ka ng walang katapusan

• papaiyakin ka tapos papatawanin ka.

• unang lalaki na umiyak sa harapan ko na akala mo bata kapag nagaway kayo, kasi ayaw ka nya mawala

• yung lalaki na irerespeto ka pati yung magulang mo.

• ipaglalaban ka sa may mga ayaw sayo, kasi di naman nila ako talagang kilala

•anjan sa pag may problema ka, willing syang tumulong sayo

• at marami pa.

He showed me what TRUE LOVE means. Na may isang tao na makapagpapalimot dun sa taong sinaktan ka ng sobra. Na may isang tao na mas karapat-dapat sa pagmamahal ko. Ipaglalaban ko tong relationship na to. Gusto ko sya lang eh.

Sabi ko, worth it lahat ng sakit. Sabi ko, FINALLY. Sabi ko, eto na to. Sabi ko, wala ng atrasan GO NA. Sabi ko, di ko na sya papakawalan pa. Sabi ko, Lord thank you.

Pagkatapos ng lahat, masaya na ako ulit. Na pag nagkita kami nung taong sinaktan ako, na mas naging matapang ako. Na mas maging isang tao ako. Na mas nabuo yung pagkatao ko. Na hindi na magpapakabaliw sakanya dahil may bago na akong kinababaliwan. Na hindi na ulit magpapaloko sakanya sa ikatlong pagkakataon dahil isang malaking KATANGAHAN na yun. Na okay na ako, masaya na ako. Na thank you dahil kundi ka nawala hindi ko sya makikilala. Salamat first love. Isa ka na lang magandang alaala. Kung saan marami akong natutunan.

And hopefully we’ll live happily ever after.


Published with Blogger-droid v2.0.2

No comments:

Post a Comment