Saturday 28 January 2012

Wala na yatang matinong tao sa mundo ngayon. NAKAKAINIS!

Wala na yatang matinong tao sa mundo ngayon. NAKAKAINIS! 

Dahil nga may training kami kanina, umuwi ako ng naka-short lang. Actually nakapanglaro pa talaga ako. Late na kasi natapos eh may usapan kami ng boyfriend ko na magkita today. Kaya nagmadalai ako, nagpalit lang ng tshirt at umalis na agad ng school.

 Pagsakay ko sa jeep, kasama ko si Kaye. Gulat ko kasi halos lahat ng nakasakay lalaki, at LAHAT NAGTINGINAN. NAKAKAILANG na NAKAKAINIS na


 “TEKA, NAKAKABASTOS PO MGA TINGIN NYO!”


 Hanggang sa maka-upo yata ako eh, nakatingin parin sa legs ko. Mga KUYA, nGAYON LANG HO BA KAYO NAKAKITA NG LEGS?!! Jusko, halos takapan ko na ng bag yung legs ko, hanggang sa pagbaba ko ng jeep siguro yung lalaki na nasa dulo nakatingin sa pwet ko. KAASAR!

 Naglalakad na ako papunta sa sakayan ng tricycle. Binibilisan ko na nga yung paglalakad ko eh para di ko na sila mapansin. Pero may epal na lalaking naka-motor binusinahan ako at nag-HELLO tapos sinasabayan pa ako ng motor nya.. Eh ayoko sa lahat yung ganun. Pagod na nga ako mababastos pa! Eh di ginawa ko minura ko sya. TANGINA MO PO KUYA! Ang galang ko pa diba?! NAKAKAINIS EH, tapos yung nagtitinda ng saging isa pa, ”ate ang ganda mo”.


 eto nga sayo oh, i raised my hand and MY MIDDLE FINGER SALUTES THEM!


 Alam kong maganda ako (ang HANGIN). Eh kahit na compliment pa yun oh kung ano nakakabastos kasi eh, sabay pa dun sa ibang lalaking nakasalubong ko.

 I know it’s also my fault kasi parang ako yung nagbigay ng motibo para maging ganun sila. Pero kahit na, KAMANYAKAN ang ginagawa nila. NAKAKAINIS! Sa susunod di na talaga ako uuwi na walang kasma haaaaayyy.




Wednesday 25 January 2012

NAASCU: FIRST GAME AGAINST ST. CLARE

Alam nyo yung walang laro, at NGA NGA! MY GOD nakakahiya kasi we lost our first game pero alam kong kaya namin yon.

Dahil super aga namain don sabi kasi ni coach pepe (sports coordinator) na after daw kami ng game ng boys na 9:30 and matatapos yun around 10:30. But then hindi pa pala kami yung sunod, 4th game kami na 12:30 so mga 8:30 am andun na kami ang tagal ng hinintay namin.

Then nung kami na, i got butterflies on my stomach. Sobrang kabado pero hindi ko pinapahalata. Ugh! Hindi ko alam pero nganga yung mga kasama ko. Haaaaay, walang recieve, depensa. Kulang kasi kami eh sana naman kasi kumpleto na sa susunod. Sobrang tahimik lang namin the whole game. Pero kaya naman talaga namin yun eh. Ewan ko naunahan kasi ng pagka-bv mga kasama ko. Haaayy, ang hirap ikwento dito kasi baka hindi no rin maintindihan yung mga problema namin kanina. Plus the fact na hinihingal ako agad, ganito ba talaga ? Pero inferness may maganda dun sa st. Clare ah, kaso SHIBOLI. I fell for her eyes and magaling din sya maglaro. Ewan crush nga nila eh, ako naman nagagandahan lang.


Isang linggo din naman kasi akong di nakapagtraining conflict lagi sa sched ko yung mga time ng training namin eh. Badtrip yon men, alam mong may laban pero nganga lang. Juskoooo! Kanina gusto kong sumigaw na umayos sila pero baka isipin nila nagmamagaling ako. Haaay ako si marja, ban at kath lang gumagawa kaya ba yun ng apat na tao lang? Dapat tulong tulong kami. Isama pa yung coach namin na imbes mang encourage eh isa din na nagsisimula ng paka-bv namin. Di na nga lang namin pinapansin eh. So alam ko na weakness ng team dapat dun magfocus yun team.

Next game nmin ceu and mga susunod pa dun AMA AND STI. Lord help us. Magttraining na talaga ako promise. Manalo lang kami at magaka-place this year. Para mabawi namin yung last year na BOKYA!

Ramdam kong may lalki ulo ngayon pa lang dahil aya yung ginawang captaon. Hahaha, but i won’t let that happen. Puputulin ko agad sungay mo.


Published with Blogger-droid v2.0.2

Monday 23 January 2012

i miss my mom

Minsan naiingit ako sa iba na kasama nila yung mama nila. Nakakabonding, ka-kwentuhan, kakulitan, kaasaran, masasabihan mo ng sama ng loob mo, ng mga problema mo, at mga happy moments and yung mga achievements mo.

Ang complicated kasi ng buhay ko eh, ang daming nangyari kaya eto kailangang maghiwalay ng landas. Natanong ko lang sa sarili ko,

bakit kailangan pang mangayari tong mga to?

Bakit sa akin pa? sa pamilya ko pa?

why does everything have to be more COMPLICATED?

hindi ko na nararadaman namay mga magulang ako. Parang napabayaan na. Iniwan nila yung mga responsibilities nila sa mga grandparents namin. And thanks to Mommy and Daddy na tinugunan yung responsibilidad na dapat mga magulang namin yung gumagawa, for prvoviding our needs and love that we need. I dont know what's gonna happen to me if wala sila. I can't handle all the problems we have right now. Nakakabaliw, actually. nahihirapan na ako, pero buti na lang anjan sila, isama mo pa yung napakasupportive kong boyfriend na  nandyan lang lagi.

Minsan lang ako magdrama kaya pagbigyan nyo na lang ako. Salamat sa inyo kasi kung wala talaga kayo di ko alam kung ano na lang ako ngayon. ILOVEYOU ALL!

Published with Blogger-droid v2.0.2

LAZY MONDAY: happy chinese new year.

Dapat makiki-fiesta ako today sa co-dancer ko sa Tanay kaso inabot ng katamaran at di pinayagan. Ang layo lang din naman lasi eh. Pamasahe ko pa, and for sure late na ako makakuwi nun. May inuman pa naman tsaka tsibog to the max yun, samahan pa ng napakadaming kwento. Sayang talaga, bakit kasi hindi na ko nakakagawa ng mga bagay na ginagawa ko dati. May mga occassions na din akong di napupuntahan. Gusto ko sana na bumalik kahit papaano yung dati.

Nakabili na pala ako ng LUMAYO KA NGA SA AKIN ni BobOng. Nakapagipon din after a long time. Naghahanap pa nga ako ng ibang book na maganda kaso wala eh, gusto ko sana lovestory eh. Wala naman kasing maganda dun s branch na yun, dapat dun na lang kami sa isa eh. Konti pa lang din kasi ng mga libro. Sayang sinisipag pa naman ako magbasa ng libro. Ewan ko ba bigla ko na lang naisipan, siguro nga kasi natapos ko n yung mga libro dito at wala na ako mabasa pa. Boring na din ang life sa araw araw na ginawa ng diyos.

Nabili ko na nga sya ngayon nakapagsimula na din ako ng mga 4pages pa lang pero bigla naman akong nawala sa mood magbasa. Napakamoody ko talaga, nakakainis. Yung excited ka magbasa kanina tapos ngayon waley na. Haaayy! Oo Lawrie, ano ba nangyayari sayo?? Nababaliw na yata ako eh. Sige ipagpatuloy mo lang, ang panget tignan.

Published with Blogger-droid v2.0.2

Sunday 22 January 2012

PARA SAN PA ANG PAGKIKITA?

This summer uuwi si ex bf/ first love according to my ninong sa kumpil na tito nya. Inaasar na nga ako lagi ng mga relatives ko sa province namin. By March daw, pinapauwi pa ako sa Batangas para daw makita ko sya. Para san pa? Eh for sure maiinis lang ako nun plus the fact na maaalala ko lang yung mga ginawa nya, yung mga nangyari na ibinaon ko na sa deepest part ng earth. Yes, it's been a long time but those memories are the ones you can't forget, kahit na ano pa ang gawin mo. Those were experiences which you learned a lot. Uuwi ako and what? I 'll just reminisce every part of the good and bad things that happened to us. All the SHIT  he did. Okay, so do I sound bitter already? Pero if you'll be in my place, for sure you'll feel the same way as I am. If ever uuwi nga sya, it'll be our first time to see each other again for 3years.

Everything will be AWKWARD, and for sure mafaibg asaran abg magaganap. Uuwi kami ng Batangas by the end of march or april, it'll be my tita's wedding and just my luck im the BRIDES MAID. May fitting pa ng gown chuchu. Malamang eh mag-cross ang landas naming dalawa and hindi maiiwasan yon. Honestly, I want to talk to him, matagal na. But there's no way for us to talk. (NO COMMUNICATION, HELLO!). I want to clear things up. Halos lahat naman ng ex ko naging friends ko eh, hindi kasi ako naniniwala na "LOVERS CANNOT BE FRIENDS" especially after the break up. And maybe sa umpisa lang but when everything is healed already both sides are ready to reconcile and make peace, move-on and move forward for another chapter of your life without him.

One thing is for sure,all of my feelings for him has been gone and the stupidity I did is what I regret a lot. Hindi na maibabalik pa.

Published with Blogger-droid v2.0.2

Befriend your Boyfriend after an LQ

What's more nerve-wracking than a knock-down, drag-out with your guy? The hours or daya after you've made up but before you're back to your usual level of closeness. Though no longer actively pissed, you're uncomfortably detached from each other, and worse, unsure how to get on track again.

One thing you shouldn't count on: his taking the reconnecting reins.


• ZIP YOUR LIPS
If the post-quarrel chill has him saying little besides "Please pass the salt," your instinct may be to sit him down for a talk about why he's not talking. Resist, he's not up for another heavy discussion. Instead do something fun with him.

• SUCK UP
If (and only if) the fight was truly your fault, help mend things with a small gift pr treat. Pick up the latest issue of his fave magazine or a pint of ice cream you know he'll devour.


• TRY A LITTLE TOUCHING
No, we don't mean throwing him down on the bed for makeup nooky. It's tempting to indulge in a frisky reconciliacion romp, but nonsexual physical contact actually a better fuse.


• DO YOUR OWN THING
It's hard when you're feeling insecure about your bond, but hitting the gym or meeting a gal pal can do wonders, pampering yourself will do too.

FOCUS ON THE FUTURE
Just like how looming forward to a vacay or night-out can help you survive a long day at work, bringing up things to do as a couple eases the tension.

• Before seeing your guy post-spat, think of three things you love  about him. Your body language will automatically reflect warmth and affection rather than axiety.

Published with Blogger-droid v2.0.2

No Matter how Strong we held on, still there comesa time that suddenly we fall

I never wanted for that time to come. Promise, di ko talaga kaya at di ko din alam kung anong gagawin ko at kung anong mangyayari saken. I always fall to hard for a particular person na akala mo walang bukas. Akala mo sya na yung makakasama mo habang buhay. This is the problem with me, that letting go and setting him free is the hardest and most painful part of it.


Kaya nga kahit konting away or misunderstanding kailangan na maayos agad, at kung hindi eh pataasan na naman kami ng pride ng kung sino ang unang magsasabi ng sorry. Ayoko na masaktan kaya I wanted him forever in my life. Ang sabi nga diba, "Once is enough, Two is too much, Three is a poison that kills a person". I know that too much of everything is bad/dangerous, especially when you love someone. I've been hurt once, twice, thrice pwede hanggang dito na lang? Wag na sana madagdagan pa. Myself knows that this is where I will be happy, this is what completes me. With him beside me feels like heaven. Eto na yung end ng hurting process though masasakan ka pa din naman in other ways but yung hurt na mararamdaman mo when you love someone who isn't for you, who's not destined for you, the one that you wanted for so long, the one thar you've been praying to God every night, the one who will fills the spaces between your fingers and the one who will bring you to the altar and promise to be with you through thick and thin, through sickness


Published with Blogger-droid v2.0.2

Friday 20 January 2012

SECOND CHANCES


  • Itama mo na ang lahat.
  • Gawin mo ang nararapat.
  • ‘Wag mo itong sayangin.
  • ‘Wag mong sirain ito.
  • Baguhin mo na ang dapat mong baguhin para sa kanya.
  • Patunayan mong mahal na mahal mo talaga siya.
Hindi lahat ng tao nagbibigay ng second chance. Meron rin namang taong nagbibigay nito, pero ang tanging alam ko: Tanga na masyado ang isang tao kapag nagbigay siya ng third or fourth chance sa taong paulit-ulit lang na humihingi nito at paulit-ulit rin ang ginagawa niya para sirain ang relasyong meron kayo. Kung may gusto kayong bagay na dapat ma-itama, mapakitang totoong nagsisisi ka na, patunayan mo. Patunayan mong deserve mong mabigyan ng isa pang pagkakataon. Hindi ‘yung kapag binigyan ka niya, parang wala rin. Sasayangin mo lang. Ipakita mo na hindi siya magsisi sa second chance na ibinigay niya sa’yo.
May second chance tayo para gawin mo na ang lahat ng tama, mga bagay namakapagpapasaya sa kanya. Sasayangin mo pa ba ‘yun? ‘Wag na ‘wag ng gagawin ‘yung mga pagkakamali na nakasakit sa kanya. Naapektuhan dito ‘yung tiwala niya sa’yo, minsan nga hindi na 100% ‘yang trust na ‘yan dahil nga sa second chance na lang ‘yan. Kaya mag-ingat-ingat ka rin kung masaktan mo nanaman siya, konting pagkakamali mo lang, masisira ulit ‘yung dati niyong pinagsamahan. Dahil sa totoo lang, mahal ka niya at gusto niya pang magpatuloy ang relasyon niyo, kaya ka binigyan ka ng isa pang pagkakataon, kaya kung ako sa’yo, ‘wag mo ‘tong sisirain. Some people believes in second chances, ‘yung nga lang, hindi lahat ng taong deserve nito. Kaya kung hinayaan mo lang at hindi ka pa rin nagbago, habang buhay mo ‘yun pagsisihan na sana noong meron kang pagkakataon, dun mo nagawa ang mga bagay na dapat nuon mo nagawa… Napapagod rin ang tao, nagsasawa rin. Bihira na lang sa buhay ang makatanggap ka pa ng third chance o fourth. 

ONE LOVE, DIFFERENT STORIES


Naisip ko lang, sa dinami-dami ng tao dito sa mundo. Iisa lang naman ang hinahangad nilang maramdaman: Ang magmahal at mahalin. Iba’t-ibang sitwasyon, iba’t-iba kung papano magmahal. May mga taong nagpapaka-tanga, may mga taong naghihintay na lang. May mga taong umaasa, may mga taong naglalaro lang. Iba’t-ibang storya. Tulad na lang ng…
  • Mahal mo siya, pero magkaibigan kayo.
  • Mahal niyo ang isa’t-isa, hadlang ang mga magulang niyo sa relasyon niyo.
  • Nagmahal ka ng mayaman; nagmahal ka ng mahirap.
  • Minahal mo ‘yung taong may taning ang buhay.
  • Minamahal mo ‘yung taong may kapansanan.
  • Minahal mo ‘yung taong nakilala mo lang sa Facebook.
  • Minamahal mo ‘yung taong malayo sa’yo.
  • Naiipit ka masyado dahil hindi mo alam kung sino sa dalawa ang karapat-dapat sa puso mo.
  • Rebound ka lang niya.
  • Panakip-butas ka lang.
  • Ginagamit ka lang niya para ipagselos ka sa ex niya.
  • Mahal mo siya, hindi ka niya mahal; may nagmamahal sa’yo, hindi mo naman mahal.
And so on… Iba-ibang sitwasyon ang ikakaharap natin sa tuwing tayo’t magmamahal. Maraming nagtatagumpay, maraming sumasaya, ngunit maraming ring taong umiiyak dahil sa kasawian. Ikaw, anong storya ng buhay pag-ibig mo? Hindi man maging tulad ng nasa palabas, pelikula o mga nababasa mo ang magiging love story mo, pero isa lang ang ikasisigurado ko: Kung alam mo kung papano magmahal, kung paano mo ito iparamdam sa isang tao at kung handa kang masaktan once na nagmahal ka, masaktan ka man, magiging matatag ka pa rin at magiging handa para sa susunod na taong makikilala mo. ‘Yung mga sitwasyon na ‘yan? Nagsasabi lang na baka hindi inilaan para sa’yo ang taong ‘yun. Dahil kung sa’yo talaga siya, hindi mo mararanasang mahirapan sa piling niya. Magmahal ka ng tama, mahalin mo ‘yung taong nagmamahal sa’yo, kahit hindi totoo ang fairy tales, dapat maranasan mo ring magka-happy ending.

PAGE 20 OF 366 - EPIC FAIL TO THE HIGHEST LEVEL

Alam nyo yung walang tulog? Kami yun ni (@juliabennice), Paula and Driz. I woke up aroung 1:30am at natulog ako that night ng 11pm so 2 hrs lang tulog ko. ZOMBIE MODE ON! Bangang ako ng sobra, walang breakfast breakfast, went straight at the bathroom, BIHIS then LARGA! At 3am in the morning kita kita kami sa may Petron near Marikina Jeep Station. Grabe as in sobrang lamig, plus walang laman yung tyan mo at ANTOK NA ANTOK pa ako. Buti nga pala nakaalis ako agad ng bahay kasi pahirapan sa pagsakay ng tricycle dahil nga mdaling araw yon.
Stop over at MCDO MARCOS, hindi para magbreakfast kundi hintayin yung isa pa naming kasma na si Paula. Ride on a taxi at pumunta sa ABS AUDIENCE ENTRANCE. Mga aroung 4am na yun, mga 20mins or less na byahe lang from mcdo marcos. Dahil sa sobrang walang tulog yung mga kasama ko ayun HYPER MODE ON sila as in sobra especially si Julia. Ewan ko wala naman nakain pero ang hyper, Umupo ng 2 hours at naghintay for the gate to open. Oh, did I mention na manunuod kami ng Showtime kaya maaga kami pumila.

As we arrived may mga nakapila na dun for the show, meron dun isang lalaking KRUNG-KRUNG at BABAENG Epal. Yung lalaki, parang special child kumilos, yung the way he speak and yung mga kilos nya plus yung walang kasawaang pagpaptugtog nya ng TEACH ME HOW TO DOUGIE. Favorite nya yata yun eh, as in from 4am na pagdating namin hanggang mga 10am he still keep on raping the play button on that particular song with matching SAYAW pa yun ah. Hindi sya nahihiya sa ginagawa nya eh. Then yung girl naman, hindi ko din mawari kung baleew or parehas silang KRUNG-KRUNG. May funny convo pa sila eh , madami yun pero hindi ko na matandaan yung iba, pero may sinabi sya eh

“PALOADAN mo nga ako, tatawagan ko si Mr. M ayaw tayo papasukin eh” Haahahaha, as if close sila ni Mr. M, tapos si Melai and Pokwang din daw. SAY WHUUUTTTT?!!

Sobrang nakakabaliw yung dalawang yun eh, then yung guy napagtripan yatang picturan tong si gir, then si girl todo pose naman as if MODEL sya, with matching taas ng kamay hawak sa ulo, sandal sa pader. WAHAHAHAHA! Ang dami kong tawa, yun yata yung nagpapawala ng antok namin eh.
Sobrang nakakainip lang yung pila, tapos pumasok na kami mga 6:30. Pila again at walang katapusang PILA.
Then they arrived, the FAPA (Full Artist’e Performing Arts) with their BLONDE and RED HAIR. Agad kong nakita yung guy na umagaw ng slot ko. Yung AIRBENDER ng group. Epal sya gusto ko syang SUNUGIN, KITILIN ANG BUHAY, ETC. Naiinis talaga ako sakanya though turingan namin eh, “MAGKAPATID” kuno. Hindi ko talaga sya pinapansin the whole time, he even gave me a pa-cute smile but INIRAPAN ko lang sya ng BONGGANG BONGGA.Haaayyys, excited na kaming mapanuod pero FAAAAAAAAIIIIIIILLLLL, UNFORTUNATELY hindi kami mapalad, at late na kami nasabihan nung friend ni driz.

ME: sdhfisugreoigreu fvgj;hiujgiwerfgesdgfureiuciefchuewriofrieuiewgfsdfnghcf!

Ayoko naaaaaaaaaaa! Another disappointment, Lagi na lang ba? Hindi ba pwedeng tumigil na?? Sayang yung effort ng paggsing mo ng super aga eh nawala lang sa wala, okay pero tanggap kong its not yet our time to watch SHOWTIME. Siguro its not yet my time to meet PAPA VHONG and my SUPER IDOL ANNE CURTIS.
Haaayyss, sobrang BV na ewan, mixed emotions ang nararamdaman. We decided na bumalik na lang sa school, may live telecast kasi dun eh. Naglakad along Tomas, sabe namin dpat GUMIMIK na lang kmai, OO nga tama, dapat gumimik na lang kami, FLUX or EVISSA. While walking nadaanan namin yung shootng ng LEGACY, Geoff Eigenman and Lovi Poe scene, Grabe super gwapo ni geoff and Lovi Poe? NO COMMENT, matangkad lang sya pero ang negra. wahahaha. Grabe yung criticism ko noh? LOL! Masaya naman kami kahit disappointed and puyat and everything. It’s a unforgettable moment. SOBRA!

Pero dahil mainit yung pwesto di na kami pumunta instead diretso sa Mcdo had our lunch and dun nanuod using Driz’ phone. Woo, sila na yung sumayaw and syempre yung pinakahihintay na comment ng judges yung gusto namin. Na-open pa yung feud na nangyari before. wahahaha! SO KAMI, OKAAYYY?! naghanap talaga sila ng problem?! Pero for me kahit na sabihin nilang wala na and they merge. ITS A NO NO! as long as their are people seeking and thirst in POPULARITY, hindi mawawala yan. I must say na magaling talaga sila, syempre kagroup ko sila eh. No negative comments heard and FTW na sila.

Lahat ng group Vice gave 10, so it depends na lang sa mga kasam nya yung winner. AMA, OLFU, GIRLS FROM MINDANAO. Woo kabado much kasi hindi mo talaga alam kung sino mananalo. And at the end another disappointment, They LOST. NANALO yung girls from mindanao and I DUNNO their group name. ASDFGHJKL! sabeeeeehhh. GAB VALENCIANO, SERIOUSLY. He only gave 9 na nagpatalo sa FAPA. Dude they deserve to win noh. WHAT THE HELL HAPPENED?!! Lahat kami shocked and dapat sila talaga. Pero they gave consideration sa malayo yung lugar eh. kitang kita naman. WOOOO! NICE ONE SHOWTIME!



BUT IN THE END THEY’RE STILL THE BEST and for the FATIMANIAN FAMILY THEY ARE THE WINNERS.
LOVE LOVE GUYS.

OLFU HYPE-UP!

Sunday 15 January 2012

PAG-IBIG NGA NAMAN

6years of wasting your time courting a girl who would never be yours. Damn, with all those efforts worth it yung ganun guy, at dahil lang sa sign. After watching MMK, the Bringas brothers story, I salute jeff for proving he's man enough that he would sacrifice  his love for his family and dapat naman talaga family first hangga't wala ka pang napapatunayan sa sarili mo. Ang sabi diba, fight for the one you love, fight for what you feel, sundin mo kung anong tinitibok ng puso mo at kung anong sinasabi ng isipan mo. Bullshit ang maniwala lang sa sign lang, kasi ang love dadating yan sayo at mararamdaman mo yan sa sarili mo. Being dumped and rejected is painful, lalo na if you expect that the girl has feelings for you too. Ako yung nanghinayang at naawa kay Jeff, he doesn't deserve all of that rejections. Sobrang sakit nun. Girls, wag na wag tayong magpaasa sa guys and magpakita ng motive until we are sure of what we really feel. Kung mahal mo, GO! pero wag naman sa point na magmumukha tayong "EASY TO GET". Huwag kang magpapaapekto o magpapadala sa mga sabi sabi ng iba, you should go in what you really feel, not what others think and say. Pucha,! Dahil lang sa naniwala ka na ang magbibigay sayo ng red roses di na destined sayo, that's BULLSHIT! :|ISANG MALAKING KALOKOHAN. GUYS, iilan na lang ang totoong lalaki sa mundo. Don't you ever use us girls, or let us fall for you then youl just leave us hanging! Iiwan na langng basta basta. Be man enough, prove us that you're worth it of our love that we deserve someone. Hanggang sa huli sana wag lang magaling sa umpisa. Hindi Barbie ang isang babae para paglaruan at pag pinagsawaan iiwan na lang. Respect us! That's all we need. LOVE.RESPECT.FIDELITY.FAITHFULNESS!"Ang pagmamahal hindi nakukuha sa mga signs o kapalaran. Ang pagmamahal sa pamilya, babae o sa kahit sino pa yan, nasa desisyon yan"
Published with Blogger-droid v2.0.2

Friday 13 January 2012

after 1 month

Dapat nasa ceu ako ng mga oras na to. May screening kami para sa upcoming NAASCU. buti na lang yung mga old players di na kailangan pumunta, at buti na lang din kasi di ko makita yung registration card ko. Clumsy kasi ako at burara eh Yan nawala ko yun


Wala akong pasok today at dahil di na pupunta si kelvinth sa social night nila we've decided na gumala na lang. Then naalala ko yung varsity jacket na pinagawa namin, 1 month na din yun di pa namin nakukuha.  Finally nakuha na din namin today. Ang cute lang kahit na may kulang sa design yung akin.


After makuha ung jacket, diretso kami sa mcdo, had our late lunch kahit na naglunch akosa bahay at para dumao sng wifi. Mabilis wifi dun eh, hahaha!


Published with Blogger-droid v2.0.2

Thursday 12 January 2012

FIRST LOVE BA KAMO??

Totoo nga ba ito?


Yung pinaka-unang taong minahal mo ng lubos? Yung taong unang halik mo? Yung pinaka-unang taong dumurog ng puso mo?


Siguro nasa sayo na yan eh. Ikaw lang makakasagot niyan, dahil ikaw ang nakakaramdam. Hindi pwedeng ibang tao ang magsabi ng

“OY SURE AKONG NAKALIMUTAN MO NA SI EX MO!”


Walang ibang makapagsasabi niyan kundi ikaw lang.


Ngunit totoo ngang may espesyal na lugar na siya sa puso mo. Nakaukit na siya. Hindi dahil siya ang unang minahal mo, pero dahil siya ang unang nagparamdam sayo ng naiibang feeling na mas nakakakilig pa sa tinatawag nating “crush”.


Lahat ng minahal natin ay nagkaroon din ng lugar sa ating puso na hinding-hindi na mawawala pa. Kahit yung mga sumakit sa atin, ayaw man o gusto natin, andiyan na rin sila. 


Ngayon, masasagot mo na ba ang aking katanungan?


Andiyan pa rin ba ang first love mo?


Published with Blogger-droid v2.0.2

LABIS NA NAKAKAGULAT

Uso na naman ang nabubuntis pero kahit kailan hinding hindi ako makikiuso hangga’t hindi pa ako handa.


Kahapon kasi habang nagf-facebook ako may naginvite saken sa “BABY SHOWER EVENT” out of my curiosity syempre tinignan ko kasi malay ko ba kung sino naginvite, maybe a friend of mine or kung sino mang kakilala ko. As i open it, I was shocked, like WTF! It’s from my highschool classmate telling she has a baby already. Nakakagulat kasi hindi mo aakalain na of all my classmates sya pa. She’s second in our batch na nagkaroon ng babay. It’s not a critism why I was shocked but because I’ve realized that, kung sino pa yung mga taong tahimik at sinasabing walang alam yung unang nabubuntis kesa sa mga taong lantaran ang kalandian. Proven and tested by many, mostly yung matatalino pa nga ito sa class eh


Pero masisisi ba natin sila that they fall to hard and give everything to the one they love without realizing what would be the outcome of what are they going to do. Without planning what should they prioritized first? and maybe it is also the problem of the teenagers today that pre marital sex is what will lead them to the things they doesn’t want in the first place. Kung matututo lang tayo na kung gaano kahalaga ang pagplano ng pamilya, kung gaano kahirap ang magbuo nito, magpalaki ng anak lalo na kungwala kayong trabaho. Yung curiosity ng isang tao sa isang bagay yung minsan nagdadala sakanya sa kapahamakan.

Isipin naman natin yung mga magulang natin na nagpapakahirap sa pagpapagod at trabaho para lang mapaaral tayo, tapos eto lang ang mangyayari.


Hindi ko po hinuhusgahan yung mga babae na nabuntis ng maaga, but I just want you guys to realize na masaya gawin ang mga bagay na hindi mo na magagawa once you are committed to have your own family. As long as you’re still young do everything you like as long as your enjoying from what you are doing and those things will serve as an experience which you can share to your future kids and also a worth remembering things na maalala mo pagtanda mo at pagtatawanan mo kasi once in a while ginawa mo yung mga bagay na yon. Kesa kung nagasawa ka kaagad eh hindi mo maeenjoy yung buhay teenager kasi maaga kang nabuntis at maaga kang nagkaroon ng responsibilities.


Alam ko naman na kayang buhayin yun ng classmates ko kasi matatalino sila and nakasupport yung parents nila sakanila. Having a baby is an angel sent from God our creator.


Goodluck to both of them and to new mommy na si Abby.


Published with Blogger-droid v2.0.2

Tuesday 10 January 2012

I LOVE SMALL TALKS

Most memorable, fun-filled time with girl friends are those spur-of-the-moment get-togethers where we chat and laugh our heads off over the most frivolous things. Our topics range from makeup tipsto the silliest jokes, to waxing philosophical over life and love. And these moments are made complete with best methapor for our multi-dimensional friendship. Illustrates how our similarities and difference mix and match.


Published with Blogger-droid v2.0.2

Monday 9 January 2012

BE THE BEST GIRLFRIEND


Be the best girlfriend
You need not wish an ex boyfriend ill. Instead, make better use of your time and emotions by taking advantage of bitter breakups and dude dramas and becoming the truly better half.
It didn’t work out. Now what? Wheter your boyfriend ducked out or you called it quits, truth is, you can learn a thing or two from each failed relationship.
It’s you, because you have full control over how your next relationship can bw better.
WHAT MAKES YOU A GIRLFRIEND MATERIAL
* having ambition and goals is a big turn-on for guys.
* Men based their first impressions on women’s look or sense of humor.
* Many girls takd nice guys for granted and when the jerks they end up with start breaking their hearts.
* Girls should screw their heads on straight and see the nice guys are here to stay for the long haul.
HOW YOU LIVE THROUGH FIGHTS
* just be calm. Contrary to popilar belief, men do listen and they arw easily to talk to as long as they’re not being yelled at.
* Stop whining, nagging, screaming and complaining about everything.
THE MALE NON-NEGOTIABLES
* TRUST is a topmost factor in a relationship. 
* everything would have been fine if one had only been a bit more deisive about things and more vocal with their opinion.
* be open-minded, understanding and don’t make up a story based on yoir jealous frenzy.
* dont be possesive. Give your guys some space and leave them alone in a while.
BRAVING THE BREAKUP
* Don’t brake up through text or email. Have maturity and decency to break up with him face to face.
* When guys bail, they often have doubts about it.
* when relationships are cut, they should be cut cleanly.
* there’s no use in going back to your ex to find out what went wrong. A person has to find that out for his or her self.
* be fine without him

CUDDLING ♥

is one of my favorite things we do together. We don’t need to talk. We just feel each other and everything seems perfect. Just hearing your heartbeat when I lay my head on your chest, closing my eyes so I could appreciate the music your heart makes. Then I look up to your face, and you smile, then I melt inside. Sometimes we tell jokes and no matter how stupid our jokes are, we still laugh about it. But sometimes, words are not that essential at all when I’m with you. Everything you want to say to me, I feel them. And that’s why I keep falling in love with you, over and over again.

So HATE this day

badvibes lang yung nangyari today, though may maganda naman nangyari din pero nawala lang lahat dahil sa lintek na nalaman ko. I won't be dancing for SHOWTIME na. UN-FOR-CHU-NATE-LEE! nagdecide sila ng hindi man lang sinasabi saken, samen nanatanggal sa mga sasayaw. Im so disappoiunted with it, kasi ako na yung SENIOR DANCER yung isa sa nawala, at ako na yung laging nasa practice ako yung nawala. UNFAIR lang naman yata sobra yung nangyari, kung andun kaming lahat nung nagdecide sila na magtatanggalan siguro mas okay samen at mas tatanggapin namin na matatanggal kami and mapaglalaban namin yung part namin. Pero ano? HINDI wala, nagdecide sila ng kulang na sila sila lang yung nakakaalam. TANGINA!  


Ang tagal kong naghintay para sa practice na yan, I even sacrificed my volleyball training for this tapos mauuwi lang sa lahat. Now I regret joining that dance na. As in sobrang ang sama ng loob ko both sides. Hindi sa nagyayabang pero mas dapat inintindi nila yung laging nandun kesa yung laging wala. Andyan na yung magaling ka pero kung puro attitude ka naman eh wag na lang, kung lagi ka rin namang walasa mga practiceor late ka wag na lang.

SOBRANG SAMA NG LOOB KO! Kaya nakagawa ako ng ganitong blog ngayon dahil dito. Ewan ko na lang kung anong mangyayari. Goodluck sa mga ACPA na natira!