Thursday 12 January 2012

FIRST LOVE BA KAMO??

Totoo nga ba ito?


Yung pinaka-unang taong minahal mo ng lubos? Yung taong unang halik mo? Yung pinaka-unang taong dumurog ng puso mo?


Siguro nasa sayo na yan eh. Ikaw lang makakasagot niyan, dahil ikaw ang nakakaramdam. Hindi pwedeng ibang tao ang magsabi ng

“OY SURE AKONG NAKALIMUTAN MO NA SI EX MO!”


Walang ibang makapagsasabi niyan kundi ikaw lang.


Ngunit totoo ngang may espesyal na lugar na siya sa puso mo. Nakaukit na siya. Hindi dahil siya ang unang minahal mo, pero dahil siya ang unang nagparamdam sayo ng naiibang feeling na mas nakakakilig pa sa tinatawag nating “crush”.


Lahat ng minahal natin ay nagkaroon din ng lugar sa ating puso na hinding-hindi na mawawala pa. Kahit yung mga sumakit sa atin, ayaw man o gusto natin, andiyan na rin sila. 


Ngayon, masasagot mo na ba ang aking katanungan?


Andiyan pa rin ba ang first love mo?


Published with Blogger-droid v2.0.2

No comments:

Post a Comment