Friday 20 January 2012

ONE LOVE, DIFFERENT STORIES


Naisip ko lang, sa dinami-dami ng tao dito sa mundo. Iisa lang naman ang hinahangad nilang maramdaman: Ang magmahal at mahalin. Iba’t-ibang sitwasyon, iba’t-iba kung papano magmahal. May mga taong nagpapaka-tanga, may mga taong naghihintay na lang. May mga taong umaasa, may mga taong naglalaro lang. Iba’t-ibang storya. Tulad na lang ng…
  • Mahal mo siya, pero magkaibigan kayo.
  • Mahal niyo ang isa’t-isa, hadlang ang mga magulang niyo sa relasyon niyo.
  • Nagmahal ka ng mayaman; nagmahal ka ng mahirap.
  • Minahal mo ‘yung taong may taning ang buhay.
  • Minamahal mo ‘yung taong may kapansanan.
  • Minahal mo ‘yung taong nakilala mo lang sa Facebook.
  • Minamahal mo ‘yung taong malayo sa’yo.
  • Naiipit ka masyado dahil hindi mo alam kung sino sa dalawa ang karapat-dapat sa puso mo.
  • Rebound ka lang niya.
  • Panakip-butas ka lang.
  • Ginagamit ka lang niya para ipagselos ka sa ex niya.
  • Mahal mo siya, hindi ka niya mahal; may nagmamahal sa’yo, hindi mo naman mahal.
And so on… Iba-ibang sitwasyon ang ikakaharap natin sa tuwing tayo’t magmamahal. Maraming nagtatagumpay, maraming sumasaya, ngunit maraming ring taong umiiyak dahil sa kasawian. Ikaw, anong storya ng buhay pag-ibig mo? Hindi man maging tulad ng nasa palabas, pelikula o mga nababasa mo ang magiging love story mo, pero isa lang ang ikasisigurado ko: Kung alam mo kung papano magmahal, kung paano mo ito iparamdam sa isang tao at kung handa kang masaktan once na nagmahal ka, masaktan ka man, magiging matatag ka pa rin at magiging handa para sa susunod na taong makikilala mo. ‘Yung mga sitwasyon na ‘yan? Nagsasabi lang na baka hindi inilaan para sa’yo ang taong ‘yun. Dahil kung sa’yo talaga siya, hindi mo mararanasang mahirapan sa piling niya. Magmahal ka ng tama, mahalin mo ‘yung taong nagmamahal sa’yo, kahit hindi totoo ang fairy tales, dapat maranasan mo ring magka-happy ending.

No comments:

Post a Comment