Monday 23 January 2012

LAZY MONDAY: happy chinese new year.

Dapat makiki-fiesta ako today sa co-dancer ko sa Tanay kaso inabot ng katamaran at di pinayagan. Ang layo lang din naman lasi eh. Pamasahe ko pa, and for sure late na ako makakuwi nun. May inuman pa naman tsaka tsibog to the max yun, samahan pa ng napakadaming kwento. Sayang talaga, bakit kasi hindi na ko nakakagawa ng mga bagay na ginagawa ko dati. May mga occassions na din akong di napupuntahan. Gusto ko sana na bumalik kahit papaano yung dati.

Nakabili na pala ako ng LUMAYO KA NGA SA AKIN ni BobOng. Nakapagipon din after a long time. Naghahanap pa nga ako ng ibang book na maganda kaso wala eh, gusto ko sana lovestory eh. Wala naman kasing maganda dun s branch na yun, dapat dun na lang kami sa isa eh. Konti pa lang din kasi ng mga libro. Sayang sinisipag pa naman ako magbasa ng libro. Ewan ko ba bigla ko na lang naisipan, siguro nga kasi natapos ko n yung mga libro dito at wala na ako mabasa pa. Boring na din ang life sa araw araw na ginawa ng diyos.

Nabili ko na nga sya ngayon nakapagsimula na din ako ng mga 4pages pa lang pero bigla naman akong nawala sa mood magbasa. Napakamoody ko talaga, nakakainis. Yung excited ka magbasa kanina tapos ngayon waley na. Haaayy! Oo Lawrie, ano ba nangyayari sayo?? Nababaliw na yata ako eh. Sige ipagpatuloy mo lang, ang panget tignan.

Published with Blogger-droid v2.0.2

No comments:

Post a Comment