Sunday 4 March 2012

21st Monthsarry ♥

Happy monthsarry to me and ze greatest boyf in the whole world. ♥


Well madaming nangyari today.


• MAGNUM ICE CREAM


Eto una naming ginawa kanina, kumain ng ice cream and we're planning for this 2 days ago and sakto sa weather na sobrang init. Since it was endorsed by bigtime artists such as Liz Uy, Erwan and Solenn Heussaff and Raymond Gutierrez. It was really a scrumptious ice cream ever. It taste a lot different than the usual ice cream. well bravo to Magnum Ice cream.


After that, we went straight at Sta. Lucia East (as always) to watch UNOFFICIALLY YOURS. But before that we had our lunch first. Eh ansabbeehh ng nauna ang dessert sa meal?


Mcdonalds everyday. HOORAY FOR TODAY!


• UNOFFICIALLY YOURS


umpisa pa lang ang intense na ng bed scene ni Angel and JL. Rated PG nga eh. Not suitable for very young ages. Hahaha! Nakakatawa na ewan kasi feel na feel nila yung scene. HAHAHA! Hindi ko mapigilang tumawa. Parang Friends with Benefits ang peg pero iba din. Ang pinakanatawa talaga akong scene dun is yung nag-sex sila sa place ni JL and di nila inakala na may tao na pala. Eh sobrang ingay nila at nagkakalampagan ang mga gamit tapos yung friends ni Mackie (JL) tulala lang and di nagiingay kasi nga baka makaistorbo. Lol! Buong sinehan yata tumawa sa scene na yun. Lalo na kaming dalawa ni Bebe.


May mga scene na sobrang nakakarelate kami. Halimbawa nung nagtampo si Mackie kay Cess. Then si Cess naglalamving tapos sasabihin ni Mackie "wala naman akong karapatan magalit eh, okay lang". Sobrang mga lines lang ni Kelvinth yan. Tapos magpipilit si Cess sabay alis ni Mackie. Basta madami pa. Isa pa yung sinabi ni JL na "gusto kong basagin yung mukha nya eh", just like what he said to my ex, lalo na sa ginawa saken.


Yung umiyak si JL kasi nga wala naman sya magawa, wala naman kasi sila. Then I remember when Bebe cried infront of me. Ohh, yung feeling na sobrang mahal ka kasi nung taong yun kaya nagkakaganun sya. Grabe!!


Nakarelate din ako nung iwanan ka sa ere. Tapos ang sasabihin wala lang yon. Ugh! Those memories, err. Don't wanna remember! Pero yun lang din kasi yung pinaka nakakainis sa lahat eh.


Ang masaya tawa kami ng tawa tapos na-LSS dun sa kanta. As in hanggang makauwi yata kinakanta nya yun.


After the movie pumunta kami sa NBS to buy something tapos nakita ko yung book ni Nicholas Sparks na THE LUCKY ONE na may movie starring Zac Efron and I forgot the name of the girl. Haha! Yun gusto ko syang bilhin kaso di pwede may bibilhin pa kasi ako na nauna kong planuhing bilhin before that. Tapos bumili lang kami ng quote book gagamitin lang naman nya para may ma-tweet sya. Haha! Dalawa yun eh, may gusto pa sya bilhin nun. BRAIN TWISTER, kaso unavailable n sya dun so I suggest yung NBS sa tropical, lucky us kasi meron dun so binili na nya.


Bago sumakay ng jeep, so habang naghihintay kami ng medyo maluwag na jeep may isang MATANDANG LASING NA NAGMOMOTOR. Grabe supwr gewang sya sa may gutter eh lasng nga sya tapos binangga nya ung konduktor ng jeep. Halos lumipad yung konduktor buti nakatayo sya tapos sumemplang ng bonggang bongga yung lalaki. Sobrang gulat ko kasi nasa harap ko lang talaga. Tapos si bebe chismoso pa. Hahaha! After masemplang nagawa padin nung lasing na magmotor eh sobrang lasing at hilo na yata yun namumula pa kasi eh. Bahala na si Lord sakanya. Pero for sure pag naaksidente yun kas malaking perwisyo.


Finally, nakasakay na din kami. Ang saya ng araw ko. Di parin maka-get over sa pinanuod at nangyari. Grabe lang. Unforgettable talaga. Had our dinner at my place tapos kwentuhan. Asaran. Kulitan. ISANG MASAYANG ARAW LANG.


ILOVEYOUSOMUCH BEBE! 21 months down FOREVER to go ♥


March 04, 2012


Published with Blogger-droid v2.0.2

No comments:

Post a Comment