Thursday 15 December 2011

Mga relasyong "muntik na":



Ito yung klase ng relasyon na onting-onti na lang, magiging kayo na pero may naging sagabal, kaya hindi natuloy.
Ano-ano kaya ang mga sagabal na ito?
  • Yung nagmamahalan daw kayong dalawa, pero may BF/GF din siya, at mas pinili niya pa rin yung isa
  • Yung nagmamahalan kayong dalawa, hindi naman sang-ayon ang magulang, ayaw mo naman magtago, kaya mas pinili mong sundin sila
  • Masyadong torpe si guy, may gusto naman sana sakanya si girl
  • Umayaw ang isa sainyo. In other words, sumuko
  • Yung ayaw pumasok sa isang commitment kasi natatakot o kaya naman long distance kayo
Ang relasyong “muntik na” ay hindi ko nirerecommend sa mga mahihina ang loob. Kasi baka magpakamatay na lang sila bigla kapag nabigo sila. LELS. Ngunit alam naman nating walang makapagsasabi kung kelan ka makakapasok sa tulad nito, dahil ang pag-ibig, basta-basta na lamang sumusulpot. Basta-basta ka nalang matatamaan na parang ligaw na bala.
Kaya mag-ingat sa pag-ibig. Nakamamatay.
—-

No comments:

Post a Comment