Saturday 10 December 2011

STORY TELLING ♥


Pag gising ko kaninang umaga, walang ka-buhay buhay. Parang may bago. Parang iba yung gising ko. Alam ko may pinagbago. Siguro dahil dun sa nangyari kagabi.
"Bakit ba kasi? Ano nangyayari?"
Bumangon ako sa kama, kumain. Ay actually nag-kape lang. Wala kasi akong gana. Para pa nga akong prinsesa na pinagsisilbihan dahil sa sobrang tamlay ko. Hindi ko maintindihan yung nangyayari sa akin.
Nang maligo ako, pucha! Nangarag ako sa sobrang lamig ng tubig. Nakalimutan ko kasing magpa-init ng tubig eh. Manigas-nigas ako sa banyo. Nagising naman yung diwa ko nun.
Pagkatapos maligo, balik na naman sa pagkatamlay, nagaayos nga pero lumilipad yung utak ko. Napansin ko din na namamga yung mata ko. Sobrang iyak ko kasi kagabi.
Habang naglalakad, papasok na. Kulang na lang makagawa ako ng music video sa sobrang ka-dramahan ko. Nakayuko, earphones in at para talagang isang music video yung eksena.
At natanong ko na naman:
“bakit ba ako ganito?”
Nasa jeep na ako, ang lalim pa din ng iniisip ko.
Loner ang eksena ko today, ang dami kong random thoughts.
“pano kaya kung mabangga yung sinasakyan ko ng jeep tapos mawala na ako?”
Nababaliw na yata ako eh.
Hanggang sa makarating sa room. LONER na naman, na fe-feel ko yung pagiging mag-isa. Di kasi pumasok si Paula at Hershey.
Bigla kong naisipan na magpanggap kaya akong may sakit tapos tambay lang sa clinic.
Matatapos pa kaya tong araw na to? Kasi sana matapos na sya agad.
Nagtanong pa si sir .”mga tulog pa ba kayo?” bumulong naman ako
 “UO, TULOG, WALA SA SARILI”
Napakamonochromatic ng araw na to.
As soon as I arrived at home, kunwari wala akong nararamdaman. Kunwari okay lang ako. Diretso sa kwarto, changed my clother and fed myself for lunch.
Then I decided to go online. Tapos nagbasa-basa ng kung anu-ano. Until I found this site. Blogspot ng ex ng boyfriend ko. While reading her blog. Isa don sa mga yon masyadong painful lang. I feel so sorry for the girl. Siguro hindi ko pa talaga sya ganun ka-kilala. Unlike her.
Wala akong laban sakanya!
Bestfriend sila before eh
Yung mga oras na yun. Gustong gusto ko umiyak pero pinipigilan ko lang.
Hanggang sa dumating sya, umupo sakto paglipat ko yung kasal ni Rich alvarez at kyla. SHIT ! Naiyak na naman ako, lumapit ako sakanya tapos yumuko. Then my tears suddenly burst. Di nya ko pinapansin. Sabi ko na nga ba may something eh.
We went outside, ayoko kasi sa loob ng bahay. Madaming makakarinig. Then nagstart na kami mag-usap. Umiiyak ako na parang tanga lang.
Seryoso yung usapan namin. Sabi nya kasi let’s be frank daw eh. I asked him questions and sinagot naman nya lahat ng yon.
Madami kaming napagusapan, halos 2hours yata kaming seryoso sa pagkukwento eh.
Natapos yung lahat sa napagkasunduan namin. Tapos parang wala na lang. Katulad lang ng dati. 
Mahal namin yung isa’t isa.
I even got a kiss from him on my lips. Im so kilig.
Before sya umuwi, nagkalakad kami. Sabi ko sakanya
“bebe ingat ka ha, ayokong may mangyaring masama sayo eh, PAPAKASALAN pa kasi kita.”
Ang cheesy ko lang sorry.
Nagsmile lang sya saken. Na natatawa na ewan. Baduy ko kasi eh.
That’s all for today. :)))

No comments:

Post a Comment