Sunday 11 December 2011

One Day Someone Will come into your Life and make you forget that your heart was ever broken



  • Makakalimutan mo kung bakit ka nasaktan.
  • Makakalimutan mo kung bakit ka umiyak noon.
  • Makakalimutan mo kung bakit umaasa ka sa kanya.
  • Makakalimutan mo ‘yung mga bagay na nagpahirap sa’yo.
  • Pagtatawanan mo na lang na ginawa mo ‘yung mga bagay na ginawa mo para lang mabalik siya sa buhay mo.
  • Kakainin mo ‘yung mga salitang sinabi mo sa sarili mo noon na hinding-hindi ka na magmamahal.
Ganun naman talaga eh. Kung hindi ka makakahanap ng ibang mamahalin, hindi mo naman makakalimutan ‘yung taong nanakit sa’yo noon. Ang love may cycle din eh. From strangers to friends, naging magka-MU, mag-boyfriend/girlfriend then maghihiwalay. At ayan nanaman ang cycle ng love. Mararanasan mo ‘to sa ibang tao. May isang tao rin kasing bibigyan ka ng dahilan kung bakit ka nasaktan noon, siya ang magpupuno dyan sa puso mo. Kung nasaktan ka man ulit, asahan mong may bagong tao nanaman darating dyan sa buhay mo. 
Kaya be thankful sa mga EX niyo, kasi kung hindi dahil sa kanila, hindi mo makakahanap ang bagong minamahal mo ngayon. Nagpapatunay lang na ang isang break up eh nangangahulugang hindi siya para sa’yo. Maraming tao ang mamahalin ka, piliin mo ‘yung taong kaya kang tanggapin pati ang nakaraan mo. ‘Wag ka ring mawalan ng pag-asa, lahat tayo eh tinadhana para sa isang taong tuturuan tayong magmahal ulit. At ‘yung taong ‘to ang magbubuo ulit dyan sa puso mo…

No comments:

Post a Comment