Thursday 6 November 2014

Love truly grows

Pag pinag-uusapan namin ni Kelvin yung about sa mga ex namin ngayon tinatawanan na lang namin. Unlike before na alam mong may inis sa aming dalawa pag yun na ang topic. Minsan ang ending pa nga eh nag-aaway kami. Nandun yung nilalait namin yung nga ex ng bawat isa, talo na naman ako jan kasi bilang pang naman ang kilala kong ex nya and wala din akong alam sakanila, konti lang. Pero sa akin na-kwento ko yata lahat, 7 din yun. Andun na yung minsan may pikunan and yes ako unang napipikon, maya maya naman maglalambing na yun at sasabihin “hindi naman mahalaga kung ano yung meron dati, anjan ka, ikaw yung mas mahalaga”. Eh sino ba namang babae ang hindi kikiligin sa mga ganung linya, though minsan naiisip ko at alam kong nasabi na rin nya yan sa iba.


Naalala ko nung nasa 2nd year pa lang kami ng relationship namin inaaway ko sya dahil lang sa pakikipag-communicate nya sa ex nya and yung pagiging malapit nya sa ibang babae. I know boys will always be boys pero when you’ve been through a lot of heartaches and inaaasahan mong hindi sya yung magbibigay sayo nun, I can’t afford another one because I had enough. Pero mali, kasi in every relationship hinding hidi mawawala yan. Until one day marerealize din nya na having an affair with other girls won't define you as a real man. Sya na din mismo yung lumalayo para hindi na din ako masaktan. He's the kind of guy who would think about his girl first before himself.


Sa loob ng 4 years namin di naman nawawala yun eh. What’s important is at the end of every problems, struggles we had in our relationship never naging choice ang pag-break up. Natutuwa ako kasi nag-ggrow kami sa relationship namin. And nakikilala namin ang isa’t isa ng mas malalim pa. Ang sabi naman nila diba “yung proseso ng pagkilala ng isang tao eh habang buhay”. May mga oras din na napag-uusapan yung future namin and we’re excited about it. Lalo na sya, I can see that he’s going to be a great dad someday. Alam ko nasabi ko na din to before na HINDI KO ALAM KUNG ANONG MANGYAYARI SAKEN PAG NAWALA SYA O MAG-BREAK KAMI. When you’re too attached to someone letting go is so hard. Let’s see 5-10 years from now kung ano na kaya ang magiging kwento naming dalawa. Pero one thing is for sure. I ONLY WANT HIM IN MY LIFE!

No comments:

Post a Comment